Alessia Xamalia's Point of view
"Walang business ang pamilya mo?" Tanong ni Dad kay Paulo. We're having a snack here in our living room. Kasama ni Paulo ang kapatid nitong lalaki na si Platon.
Gusto kong mahiya sa kanya dahil ito agad ang iniisip ni Dad, ang business. Hindi ko alam kung obsess ba ito sa business at ito ang bukambibig palagi.
Alanganing umiling si Paulo. "No. My family is not into that kind of business, mas kilala po ang pamilya namin sa Showbiz Industry. My father is a director and my mom is a famous model, so that our—"
"Hindi ko gusto ang industriyang iyan," he frankly said. Kumunot ang noo ko. Kailangan bang ganoon ang maging sagot niya? "My daughter will accompany our business kapag ready na siya."
Nakangiting tumango si Paulo. "I understand po."
Hindi ko alam kung saan tutungo ang usaping iyon, buti na lang ay naputol na iyon doon ng magyaya ng umuwi ang nakababatang kapatid ni Paulo.
"Kuya, I'm sleepy..." He yawned. Ang cute niya, 7 years old palang kasi ito. "Can we go back to our hotel now?" Natutuwa ako dahil talagang nagmana ang mukha nito kay Paulo, mas singkit nga lang si Platon.
Tumingin sa akin si Paulo, nagpapaalam, tumango ako. Namaalam naman ito kay Dad at Mama ng may paggalang. Nagprisinta na akong ihatid sila sa labasan.
"Okay lang bang bumalik dito bukas?" Tanong niya habang naglalakad kami palabas, buhat na nito ang kapatid at nakahilig ang ulo sa balikat niya.
"Oo naman. Hanggang nandito kami pwede kayo dito," sagot ko. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.
"Your father hates showbiz?" He asked. Hesitation hits me, kailangan ba talaga namin 'to pag-usapan? "It's okay if you're not well talking about it," he started walking again, hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang katanungan nila.
Sumunod ako ng lakad ng tumigil ulit siya at nakangusong binalingan ako. Pasan-pasan niya si Plato at ang weird na makita siyang ganito, nagpapacute. Ngumisi ako. "Yeah. Pinagbibigyan lang ako ni Dad, actually. Siguro, 10 years... ako na ang magma-manage ng company namin..." Pilit kong pinapagaan ang kalooban dahil literal na nalulungkot ako kapag napag-uusapan iyon. Ayokong umalis sa gusto ko, lalo na at nagsisimula na akong magkaroon ng pangalan.
"Then, magbi-business na din ba ako?" Pabirong anito. Sinamaan ko ito ng tingin at marahang hinampas ang bisig nito.
Huwag na huwag niyang gagawin ang bagay na 'yan...
"Nag-jo-joke ka ba? Hindi mo magugustuhan 'yon, for sure..." Iniiwas ko ang tingin sa kanya dahil nakatitig na siya sa akin, ibinaling ko ang tingin sa madilim na hardin.
"Basta kung saan ka, magugustuhan ko..." He whispered. Nangilabot ako, nagsitaasan ang balahibo. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa malamig na ihip ng hangin o dahil kay Paulo...
"Hindi mo kailangang gawin iyon," I avoid his eyes.
"Why not?" Nagulat ako ng nasa harapan ko na siya, wala na akong kawala. "Kaya naman ako nandito dahil sayo... handa akong iwanan ang lahat para sa 'yo, even my own happiness."
Mariin kong ipinikit ang mata. Nakakainis siya. Hindi niya kailangang gawin ang bagay na 'yon, pero alam kong kahit sabihin ko iyon ay hindi naman siya makikinig. Bumuga ako ng mahabang buntong-hininga. "Paulo..." nginitian lang ako nito. Lalo lang akong na-guilty.
"Pwede na ba kitang angkinin? Can I love you legally, Xamalia?" Bulong niya. Ramdam na ramdam ko ang sarili niya sa bawat bigkas niya noon. Nagulat ako. Hindi ko 'ata kayang magsalita. Ngunit ng kunin niya ang kamay ko ay doon na ako nabuhayan.