Alessia Xamalia's Point of view
Nakahiga ako sa kama ko at inaantay ang sariling makatulog. Ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ako makaramdam ng antok, iniisip ko parin ang mga aksyon nya. He changed a lot. The way he stared at me, may emosyon na. The way he laughed, hindi naman sya palatawa. The way he cared for me, he became so gentle. Inaalalayan, parang inaangkin ako.
Nag-ring ang cellphone ko, agad kong sinagot iyon ng hindi tinitignan kung sino ang caller. "Hello?"
I heard him cleared his throat. Nanlaki ang mata ko sa kaba, parang kilala ko… "Ba't di ka pa natutulog?" Tanong nya gamit ang malat na boses nito, ayaw ko mang aminin pero ang sexy ng boses nya…
I shrugged. "Hindi ako makatulog,"
"Bakit?"
Hindi ako nakasagot agad. Bakit nga ba? Dahil sa kanya, dahil iniisip ko siya. Dapat bang sabihin ko pa? Malamang, hindi! Edi parang nag-confess ng feelings ang lagay mo non! E wala naman akong gusto sa kanya.
"Alessia…" Alessia. Tinatawag nya akong Alessia tuwing kami lang dalawa.
Umiling-iling ako para mawala ang kung anong nasa utak ko. "A-ah, wala… wala. Hindi lang talaga ako makatulog ngayon." Pagdadahilan ko. Pero parang hindi naman ito naniniwala, narinig ko ang pagtawa nito. He laughed sexily…
"Akala ko ba ay pagod ka na? You need to rest, sleep early." Paalala nya.
"Early? E dinala mo pa 'ko sa lugar mo!" Asik ko upang mapagtakpan ang nararamdaman kilig, paramg siyang tatay kung mag-utos. "Wala na! Nawala na ang antok ko ng dahil sa 'yo!" At muli tumawa ito. Napakagat ako ng labi.
"Hindi mo makalimutan?" Tukso nya sa akin.
"Ha? Ang alin?" Takhang tanong ko. Humalakhak na naman ito ng tawa.
"Wala…" natatawang sabi nya.
Natahimik ako. Ano bang sinasabi nya? "Ano nga kase 'yon, Killian?" Pangungulit ko. Ngunit imbes na sagutin ay tawa lang ang iginawad nya. "Tss. Sasabihin tas hindi itutuloy,"
"Wag mo ng isipin 'yon. Sige na, matulog ka na." Seryosong utos nya sakin. Natahimik ako. "Alessia… tulog na." Biro nya pa ng hindi ako magsalita upang sagutin sya.
I sighed heavily. "Okay. Goodnight." Ani ko. Naghintay ako ng segundo ngunit wala syang sinabi bilang sagot. Agad kong pinatay ang tawag.
Nanatili akong nakatingin sa kisame, wala akong maramdaman kundi ang kabog ng dibdib. I shut my eyes and sighed before I force myself to sleep.
Killian Giovani's Point of view
"Okay. Goodnight…" sambit nya sa kabilang linya. Natigil ako sa paghinga, tila naghumerantado ang bawat pintig ng pulso ko.
Ngayon ay wala akong maitugon. Hindi ko alam ang nararapat na sabihin. Narinig ko ang mababang paghinga nya. I panicked.
"Good—" she ended the call. Napahilamos ako sa mukha ko ng marinig ko ang pagkaputol ng linya.
Inis kong hinubad ang long-sleeve ko at nagtungo sa loob ng comfort room. Tinignan ko ang sarili sa salamin, matagal at tila iniisip ang dapat na gawin. Bago pa ako lamunin ng iniisip ay mabilis kong binanlawan ang mukha ko ng malamig na tubig.
Hindi ko alam kung bakit sobrang apektado ako!
"What should I do now?" Tanong ko sa sarili ko habang naghahanap ng maganda at comportableng masosuot. Hindi ko alam ang mga ginagawa ko. Should I go to her condo? Natigilan ako. "What the fuck, Kane? Are you f*cking serious? Damn. This is not good. This is not the f*cking me! Shit!" Napasabunot ako sa sarili. Inihiga ko ang sarili sa kama, ipinikit ang mga mata.