Alessia Xamalia's Point of view
Nakasandal lamang ako sa passenger seat habang pinagmamasdan ang mabilis na pag-usad ng paligid, dahil na rin sa mabilis na pagmamaneho ni Killian. Lampas isang oras na ang biyahe naming dalawa ngunit hindi parin kami nakakarating sa destinasyon namin. Hindi ko rin alam kung saan niya ako dadalhin, ayoko nalang din tanungin.
Kung tayo ay matanda na
Sana'y di tayo magbago
Kailan man
Nasaan ma'y ito ang pangarap ko Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin, ooh
Hanggang pagtanda natinNapalingon ako kay Killian ng biglang tumunog ang kantang iyon, version ni Rey Valera.
"Nagtatanong lang sa iyo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok ko?" Itinuloy niya ang kanta habang pokus na pokus sa pagmamaneho.Inalis kong muli ang tingin sa kanya at tumingin nalang sa labas. Mas mabuti iyon, mas mainam kaysa titigan siya habang nakanta, hindi ba?
"Pagdating ng araw
Ang ‘yong buhok
Ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Ng nakaraan sa ‘tin
Ang nakalipas ay ibabalik natin, ooh Ipapaalala ko sa ‘yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa ‘yo…"Napakalamig talaga ngboses niya, mahilig siya sa makalumang kanta… 'yon ang napansin ko sa kanya. Bagay rin sa kanya ang ganitong genre ng kantahin, tugma sa pagiging misteryoso niya. Bumabalanse din siguro… hindi naman siya gano'n karomantiko.
"Kahit maputi na ang buhok ko
Ang nakalipas
Ay ibabalik natin, hmmm
Ipapaalala ko sa ‘yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa ‘yo
Kahit maputi na ang buhok ko…
Kahit maputi na ang buhok ko…"Natapos ang kanta ng walang kung anong aksyon akong ginawa, nanatili lang nakamasid sa mataas na kalsada kung saan kita ko ang siyudad, mas maganda siguro dito kung gabi.
"You're quiet." Rinig kong sabi niya. Sinulyapan ko siya ng mabilis at agad ding umiwas.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Sa gusto mong puntahan…" Kumunot ang noo ko. Sa gusto kong puntahan? Paano naman niya malalaman ang gusto kong puntahan? Hindi ko naman sinagot ang tanong niya.
"Saan?" Hamon ko.
"Beach." Nang sabihin niya ang salitang iyon ay parang pumalakpak ang tenga ko. Gusto kong magsaya, pero pinili ko nalang na itago iyon. "Gusto mo do'n 'di ba? Nabanggit mo sa 'kin noon." Nilingon ko siya. Nanatili siyang naka-concentrate sa pagmamaneho ng muling tumunog ang kanta.
"Yeah, now, I feel like I need to be there… kailangan ko lang munang huminga," I sighed. The heaviness of my chest is constantly torturing my damn whole system.
Masama siguro ako. Pakiramdam ko ay nagkakasala ako sa bawat pagsama ko kay Killian… pati na rin kay Paulo. Pakiramdam ko ay pinagsasabay ko sila, hindi ko naman maiwasan. Ayokong makasakit, ayoko rin maging malungkot at ngayon ay nasa gitna ako, naiipit kung ano bang nararapat.
Kita ko ang bahagyang paglingon sakin ni Killian, sinalubong ko 'yon at ginawaran siya ng ngiti. "Bakit?" Tanong niya.
Nabura ang ngiti ko. I'm confused. "What— What do you mean?" Tanong ko. Hindi niya ako sinagot. Ibinalik niya ang presensiya sa pagmamaneho at hindi na muli akong kinausap.
Hindi na din naman nagtagal ay nakarating kami, nakita ko ang karatula sa pagpasok namin. 'Virgin Beach Resort'. This is my first time having a beach in Batangas. I'm happy that Killian is with me right now, parang biglang gusto ko nalang sulitin itong araw na kasama siya, 'di tulad kanina na parang gusto ko nalang umuwi. Lumabas siya ng sasakyan at pinagbuksan ako.