16. His Place

1.1K 35 5
                                    

Alessia Xamalia's Point of view

"Nandito na si Kane Cuevas!" Rinig kong sabi ng isa sa mga publisher. Agad akong napalingon sa bulto nitong kakapasok lang.

I examined him. Tulad ng suot nito kanina, naka-leather jacket, nakapaloob ang white round neck shirt, black jeans and vans shoes.

Agad syang sinalubong ng manager nya ngunit hindi nya ito pinansin, dire-diretsong umupo ito sa tabi ko at sinuot ang shades nito. Hindi nya ako ginawaran ng tingin mula ng pumasok sya dito sa pitching ng movie naming dalawa.

Kung tatanungin ako? Masaya ako. This is my movie na ako ang bida. At mabilis din para sa akin dahil sa pagkakataong ito ay kasama ko si Killian. Hindi ko alam kung magiging okay kaming dalawa.

Madali namang natapos ang pitching. Nagkasundo na sa flow ng story, ngunit yung katabi ko wala man lang reaksyon sa lahat ng pinag-uusapan. Kapag tinatanong sya hindi nagsasalita. Parang wala sya dito.

Nakita kong lumabas si Manager kaya napagdesisyunan ko na ring lumabas. Ngunit bago iyon ay nagpaalam muna ako sa direktor, writer at kung sino pang naroroon. Akmang aalis na ako ng makaramdam ako ng nakahawak na kamay sa braso ko. Nilingon ko ito. Si Killian.

Tumayo sya. Humarap sa akin gamit ang walang emosyon nitong mukha, hindi ko makita ang mata nito dahil nakasuot ito ng shades. "Let's..." he sighed. Tinignan nya ang relo nya. "Let's go out," anito.

Nakatingin sya sa akin ng diretso, hindi ko sure. Parang lang. "Ngayon na?" Tanong ko sa kanya. Mula kase dito ay kita ang labasan. Madilim na, wari ko ay alas syete na ng gabi.

"Yeah." He's cool. Parang walang nangyari kahapon at kanina. And I hate seeing him that way. Wala lang talaga sa kanya? I stared at his eyes. Walang pakialam kung makita nya harap harapan na tinitignan ko sya.

Naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak ng kamay nito sa braso ko. Iniiwas ko ang tingin ko at mabilis na lumabas, doon na natagtag ang kamay nito. Naramdaman kong sumunod ito.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang patuloy sa paglalakad. Nasa likuran ko sya at nakasunod sa akin.

"Somewhere." Tipid na sagot nito.

Kumunot ang noo ko ngunit hindi ko nalang ininteroga. Binagalan ko ang lakad ko.

"The exact location, please. Papaalam ako kay manager."

"Hindi mo na kailangan magpaalam,"

Ang kulit. Kelangan nga.

I rolled my eyes. "I need to, mag-aalala ang mga kuya ko kapag hindi nila ako nahanap kay manager..." sagot ko sa kanya.

"Tss."

"Inaangilan mo ba 'ko, Killian?" Tumigil ako at hinarap sya. Kunot ang noo at nakasimangot. Nakakainis. "Huwag nalang tayong tumuloy!"

"Ano na namang ginawa ko?" Takhang tanong nito. Tumigil sya isang pulgada ang lapit sa akin. Napaatras ako.

Umabante sya. Muli naman akong umatras. "Masyado kang malapit sakin, Killian." I whispered but still, my chin is up to faced him without any doubt. Ngunit umurong ata ang dila at tapang na mayroon ako kanina lang.

His malicious smirk appeared, "Come on, midnight person ako kaya sasamahan mo 'ko magdamag." Nagulat ako ng bigla nitong ayusin ang kwelyo ng oversize blazer ko at itinapi iyon ng ayos. "Masyadong revealing," komento nito bago pumasok sa kakabukas lang na elevator na nasa likuran ko na pala.

I deeply closed my eyes and sighed, "This is embarrassing ..." I whispered.

Nagulat ako ng may humigit sa kwelyo ng damit ko sa likod at agad akong ipinasok sa elevator. Nang sumara ang elevator ay sinamaan ko ng tingin ang lalaking nasa tabi ko, patay malisya sa ginawa nya.

Unwanted Romance [COMPLETED] #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon