57. Tired

615 20 6
                                        

Alessia Xamalia's Point of view

"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Hannah. Tumango ako bilang sagot, hindi na naman niya ako muling tinanong pa.

Nakasakay na kami sa taxi ngayon.  Kanina, pagkarating na pagkarating namin dito sa labas ng airport ay agad silang dumalo, handa ng kunin ang bagaheng dala-dala namin. Kaya wala na kaming inintindi pa dahil alam na nila ang gagawin, umayos nalang kami sa loob ng taxi at ibinagsak ang sarili sa malambot na upuan dahil sa pagod. Halos apat na oras din ang inilagi namin sa himpapawid, nakakapagod at masakit sa ulo, wala pa man akong tulog mula madaling-araw dahil kahit sa eroplano ay hindi ako dalawin ng antok. Lipad pa rin ang isip sa ibang bagay.

Dalawang sasakyan ang mayroon kami, ang isa ay nandoon kay Paulo at sa dalawang kasama niya pa. Dito naman sa akin ay si Erin, ang aking assistant, si Roa na aking hair and make-up stylist at si Hannah, syempre. Ipinahinga ko ang ulo ko sa balikat ni Hannah ng magsimula ng umandar ang taxi. Habang nakahilig sa kanya ay nakatingin lamang ako sa labasan, tinitignan kung anong pinagkaiba nito sa pilipinas.

Nagtataasang mga buildings, nagkalat na mga malls, mula sa structure ng mga buildings dito ay mahahalatang iba ang kalidad ng pagkakagawa. Pero kahit ganoon ay masasabi kong para lang akong nasa Makati. Ang kaibahan lang, mas malinis ang paligid dito, ma-disiplina din? Dahil kapag nakapula ang stop light ay awtomatikong tumitigil ang mga sasakyan kahit na wala namang tatawid, maganda iyon.

Bukod doon, marami ring parke dito. Matingkad ang pagka-berde ng mga halaman at puno, mas malilom din kaysa sa Pinas, pero mas gusto ko pa rin sa bansa ko. Napabuntong-hininga ako habang patuloy na sinusuyod ang bawat makita ng mata ko dito sa Indonesia.

"Pagod na pagod ka 'ata? Apat na oras lang 'yon…" rinig kong komento ni Hannah.

Tinignan ko siya at nakita kong mapatingin ang dalawa sa kanya. Ngumiti lang ako at inalis ang pagkakahilig ng ulo ko sa balikat niya.

"Nag-empake ako," sagot ko. Mukha naman itong hindi naniniwala, ineksamin ko silang lahat. Nakita kong nagkibit-balikat lang ang baklang si Roa.

"Ibang pagod, 'te." saad niya.

Natatawang kumunot ang noo ko. "Anong klaseng pagod?" tanong ko.

Pagak itong tumawa, napatingin tuloy ako sa driver baka mamaya ay naiiritia na pala ito—bigla na lang kaming ihagis sa labas. "Pagod na parang nag-something'an!" sagot nito. Muli, nagsalubong ang kilay ko.

Ano raw?

Natigilan ako at malalim na nag-isip. Doon ay sumagi sa isip ko ang ala-alang kailanman ay hindi ko malilimutan. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang kirot, pati sakit sa katawan. Pinamulahan ako. Ano ba itong napapansin nila?! Masyadong pribado!

"Sari-sari na ang napapansin n'yo! Syempre, wala akong tulog at nag-empake ako! Atsaka… apat na oras 'yung flight natin! Kung ano-anong sinasabi mo, Roa!" asik ko. Nanlapad ang nguso ko ng mapansing nakatingin lang sila sa akin, tila sinusuri ang ekspresyon ko. Hindi epektibo. Base sa nakikita ko ay hindi naman sila kumbinsido, pero wala silang magagawa, 'yun ang totoo! Talaga ba, Xamalia?

"Ay 'te! O sige, matulog ka ng mahimbing mamaya! Habaan mo! Para fresh ka bukas sa show mo, ha? Iba ang level ngayon, 'te. International 'to! Ibang papabols ang narito, ibang lahi, iba ang tangkad at laki!" Iba ang… laki? What the hell is he talking about? Damn. Napailing nalang ako sa kanya. Grabe. "Kailangan freshness overload bukas ang awrahan, lalo na't itatabi ka kay poging Paulo!" Baklang-bakla talaga 'tong si Roa. Napapangibit nalang ako sa sinasabi niya—wala siguro itong alam tungkol sa estado namin ni Paulo. Pero mas okay na iyon, para wala ng tanong tanong pa.

Unwanted Romance [COMPLETED] #Wattys2019Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon