Alessia Xamalia's Point of view
Naalimpungatan ako dahil sa nararamdamang sinag ng araw na tumatamang direkta sa mukha ko. Pupungay-pungay pa ang mata ko habang kinukusot ang mata ko. Nang magawa ko ng maimulat ang mata ko ay nagulat ako ng ang bumungad sa akin ay mga sanga ng puno, pati na rin ang puting ulap.
Nasa heaven na ba 'ko? Bahagya akong natawa sa naisip.
Nang lingunin ko ang katabi ko ay halos malaglag ako sa kinahihigaang duyan dahil sa lapit ng mukha naming dalawa. Tinitigan ko ang gwapo at maamong mukha nya kapag tulog.
Ngayon ko lang napansin ang mahaba-haba nitong pilik mata. Inilapit ko ng kaunti ang mukha ko sa kanya, nakaawang ng bahagya ang labi nito. Inamoy ko ang bibig nya.
Iiling-iling akong nakangibit, "Tsk. Tsk. Tsk. Bakit ang bango parin ng hininga mo?" Mariin kong tanong sa kanya. Dinuduro-duro ang labi nito. "Daya! E malma kang uminom kagabi! Hmp!" Pasalampak kong binagsak ang ulo ko sa tabi nya.
Nilingon ko syang muli. Ang sarap pagnasaan ng itsura nito, e? Muli na namang inexamin ng mata ko ang kabuuang mukha nito. Ang gwapo talaga e.
"Bat ba kase ang gwapo mo, Killian?" Bulong ko habang pinagmamasdan ang mukha nito na malapit sa mukha ko. Inilapit ko pa ang sarili ko sa kanya. "Parang gusto kitang halikan…" ani ko sa kanya.
Nanlaki ang mata ko. Natutop ko ang labi ng mapagtanto ang sinabi ko. Anong kalandian 'yon, Xamalia?! Talande ka na! Hinawaan ka na! Shit.
Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa sanga ng puno ng narra. Yun kase ang tumatakip sa sinag ng araw, pero dahil hindi yon ganon kayabong ay may umaalpas paring init.
Nagsimula akong mag-hum ng isang kanta ni Selena Gomez nang marinig ko ang isang kaakit-akit na halinghing mula sa lalaking nasa tabi ko. Naestatwa ako ng gumalaw ito, nag-uunat ata tapos ay bigla na lamang itong tumayo mula sa kinahihigaan nito.
Nanatili ako. Ayokong tumingin sa kanya. Nakakahiya! Narinig kaya nya? Hindi naman siguro… Nilingon ko sya, nakangisi sya sa akin na parang may nakakatawang nangyari. Kumalabog ang dibdib ko sa kaba, wala sa sariling nag-iwas ako ng tingin.
"Gusto mong tikman ang red lips ko?" Tanong nya. Tuluyan na akong nilamon ng kahihiyan. Alam ko na e, bakit ba kase, Xamalia?! "Good morning kiss from Killian, gusto mo?" Nang sulyapan ko ito ay malisyoso itong nakangisi sa akin.
Itinago ko nalang ang sarili gamit ang dalawang palad ko. Nakakahiya ka, Xam!
"W-wala naman akong sinabing ganyan… B-bastos ka talaga," I stuttered. Damn.
Humalakhak ito ng tawa. "Wala akong sinabing sinabi mo," hindi ko namalayan na nasa harapan ko na ito, nakapantay sa mukha ko. Tinanggal nya ang palad ko na nasa mukha ko. "Guilty, my jollibee…"
Biglang bumalik ang pagkainis ko sa kanya. Tinabig ko paalis ang kamay nya, "Iniinis mo ba 'ko?" Umayos ito ng tayo at tinitigan ako. "W-wag mo nga kong titigan!"
"Defensive,"
"Ano?!" Grr.
"Defensive much,"
"Hindi no."
"Defensive more," he pouted his lips. But it doesn't matter. Kailangan kong mainis sa kanya para maisalba ang ego ko.
"I'm not defensive, Killian. I'm just…" I'm out of words. I deeply closed my eyes and sighed. Nang muli kong buksan ang mata ko ay walang pinagbago. Naiinis parin ako. "I'm just explaining my side, yun lang."
![Unwanted Romance [COMPLETED] #Wattys2019](https://img.wattpad.com/cover/145462348-64-k618374.jpg)