Alessia Xamalia's Point of view
"CUT!" Sigaw ng direktor ng bago kong pelikula kasama si Paulo. Yes. Nagustuhan ng karamihan ang tandem namin kaya may bago na naman kaming proyekto. Agad akong umupo sa upuang nakita.
Dinaluhan ako ng P.A kong si Eris. "Dami nyong heavy scenes, mam." Aniya habang inaayos ang buhok kong magulo.
"Oo nga e. Buti nalang at isang scene nalang sa araw na ito ay tapos na." Napa-buntong hininga ako. Inabutan naman ako ng tubig ni Eris. "Teka, hindi ba't birthday ng kapatid mo ngayon?" Tanong ko sa kanya ng maalala kong nanghingi siya noong nakaraan ng maagang uwi para sa araw na ito.
Nakangiti siyang tumango. "Opo, mam. Pero ayos lang po, babawi nalang po ako bukas sa kapatid ko."
Agad akong umiling. "No. Ngayon yung birthday ng kapatid mo, hindi bukas. Sige na, umuwi ka na."
"Okay lang po, mam. Naiintindihan naman po 'ko non e."
Binalewala ko ang sinabi niya at tinignan ang relo ko sa braso. "May apat na oras at kalahati ka pa para i-celebrate nyong pamilya ang kaarawan niya. Sige na."
Nag-aalangan pa ito ngunit sinigurado ko sa kanya na kaya ko naman, patapos na din naman ang shoot ngayong araw. "Sige po, mam. Salamat."
"Happy birthday sa kapatid mo."
"Makakarating, mam. Maraming salamat po talaga." Agad nitong kinuha ang bag at kumaway sa akin bago lumabas ng tent. Kasabay non ay ang paglapit ni Paulo sa akin, buhat-buhat ang upuan niya ay itinabi sa akin.
"Ang bait naman talaga..." puri niya.
Tinignan ko siya at nginitian. "Bolero." Ani ko.
"No, really... may mabuti kang puso. One of the reasons why I like you, Xam." Kinuha niya ang kamay ko at hinalkan iyon. "Sana lahat ng babae katulad mo,"
"Napaka-bolero. Ikaw na ang pinaka-bolero sa lahat-"
"Believe me, Xam." His eyes is like talking to me saying that I should believe him. And, I did. I do believe him. Akmang aalisin ko na ang kamay ko na hawak niya ng higpitan niya ito. "Wait, may isa pa..."
Kumunot ang noo ko. "Ano na naman yon?" Kita kong parang natatae na naman ang mukha nito. Ganyan ang mukha niya sa tuwing tinatarayan ko siya.
"Ngiti ka muna, please?" Parang gusto kong matawa sa kanya. I force myself to smile. "The real one, Xam. Real beauty."
I fakely sighed. "Ang demanding ha,"
"Okay, sorry. Just wanna give this to you." Nanlaki ang mata ko ng ilagay ni Paulo sa kamay ko ang paborito kong pagkain sa buwan na ito. Medyo malaki iyon dahil nasa tin can buti nalang at hindi niya totally binitawan.
"Dream cake ba 'to, Pau?" Tanong ko, nanatiling gulat sa nakita. Oo. Ganito talaga ako kapag nakatanggap ng paborito kong pagkain.
Alanganin itong ngumiti. "Oo."
"Yay! Thank you!" Patalon ko siyang niyakap. I am happy to receive this kind of gift. Atsaka matagal ko ng gustong i-try to, nagpapahanap pa ko kay Eris. "Wanna eat this now."
"Should I get you a spoon?" Pabiro ani Paulo. Sinamaan ko siya ng tingin. "Okay, okay, sorry. I'm just joking, Xam."
Tinignan ko ang binigay niya sa akin. Malamig pa ung lagayan, saan naman kaya niya to inilagay? "Natatakam na talaga 'ko,"
![Unwanted Romance [COMPLETED] #Wattys2019](https://img.wattpad.com/cover/145462348-64-k618374.jpg)