Alessia Xamalia's Point of view
Nasa gitna ako ng press conference nang mahagip ng mata ko si Killian. He's here! Watching me with his slight intense of eyes all over me, I smiled. Kumunot ang noo niya at umigting ang panga. Doon ay naramdaman ko ang paggapang ng kamay ni Paulo sa tuhod ko.
Marahan kong tinanggal iyon. Napatingin siya sa akin, nakangisi at tila may binabalak na masama. Naging madalas ang pagiging ganito niya sa akin, nakakatakot na rin minsan dahil hindi naman siya ganito noon. Sobrang clingy at nakakairita dahil parang laging nanunuya.
"Your boy is here." Bulong sa akin ni Paulo habang ang mata ay nanatili sa kasintahan.
"My boy?"
"Hindi ba?" May halong sarkasmo at panunumbat ang boses nito.
Alam kong alam niya, halata naman. Siya lang siguro itong nag-adjust, para hindi na lang din lumaki ang gulo sa aming dalawa.
Naalerto ako nang matuon sa akin ang atensiyon nang mga reporter, nagtanong sila patungkol sa pelikula. "Ang natutunan ko kay Abi?" Iyon ang pangalan ko sa pelikulang pinagbibidahan naming dalawa ni Paulo. "Siguro 'yung 'wag mong i-give-up 'yung sarili mo para sa taong mahal mo. Yes, mahal mo, mahal ka niya. Pero, sapat ba 'yon para iwanan mo 'yung sarili mo? Sapat ba 'yon para baguhin mo ang nakasanayan mo? Hindi, kasi kung mahal ka naman nung tao, in the first place—bakit ka niya babaguhin 'di ba? Acceptance. Ito ako, mahalin mo. Stop minding the ideal woman or man of your partner! Be someone na ikaw talaga, walang halong pagpapanggap." Sagot ko at ngumiti sa kanila.
"Thank you, Xam." Ngumiti lang ako. Akala ko ay tapos na ang tanong niya pero hindi pa pala, may kasunod pa. "At dahil nabanggit 'yung pagmamahal na walang pinipiling characteristics about certain ideal, this is my question." Parang bigla naman akong kinabahan doon.
Kinuha kong muli ang microphone at handa ng sumagot.
"Ganoon rin ba ang pagmamahal mo kay Paulo?" Nakarinig ako ng buyuan at mahinang tilian mula sa mga press. Imbes na ipahalata ang panginginig sa katanungan ay ngumiti ako, sinagot ang tanong.
"Oo naman." It's true. "Bilang mag-partner kami, magkaibigan… mabait siya, e. Hindi siya mahirap mahalin," I paused. Sinulyapan ko ang masamang tingin ni Killian. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, gusto kong pumunta sa kanya ngayon at ipaliwanag sa kanya ito. "Pero may mga bagay na kahit sobrang ideal na sa 'yo, sobrang sakto at perpekto— may iba talagang taong nakalaan sa 'yo."
"So, what are you trying to say, Xam? That you and Paulo are just friends? Walang something dahil may iba kang gusto." I'm stuck! Ngiti lang ang inilaan ko, kailangan ko iyon.
Kita ko ang pag-asa sa mata ni Killian. I'm sorry, I can't.
Umiling ako. "No, what I mean is… we are not forcely liking each other." Para kay Killian itong sinasabi ko, pero hindi ko pwedeng sabihin iyon. "Natural lang na gusto namin ang isa't isa…" Para akong tinakasan ng wisyo nang makita ko ang bigong mata niya, umiiling na tila mali ako. Oo, mali talaga ako.
He walked out. And I smiled, ipinagpatuloy ang kasinungalingang nanggaling sa akin. I am selfish. Alam ko, kaya ngayon pa lang naiisip ko na kung bakit ba kailangan kong ipasok ang sarili ko, si Killian, dito sa mundo kong puno ng kasinungalingan. Na kapag may pagkakamali ka, kitang-kita. Na kapag may mahal ka, hindi pwede, dahil kailangan mong pangalagaan ang imahe mo. Damn. Nakakapagod! Pero pangarap ko 'to, e. This is my only escape, my happiness and world to live while waiting for my turn to abandon my place and pursue the unwanted world that's coming my way.