23. Love

1.1K 34 0
                                        

Alessia Xamalia's Point of view

Saan ba ako magsisimula?

Gusto kong magkwento ngunit hindi ako makahanap ng tamang salita upang ilahad. Narito ako sa loob ng kwarto, mag-isa.

This past few weeks of being with Killian and Paulo, I found an answer to my sudden questions. How can I say that he's rude when he is always there for me? It's Killian. I wipe the tears away when I figure out something I can't explain why it happened.

"Inlove na ba 'ko?" Umihip ang hangin. Kasabay non ay ang pagsilip ng mga ilaw ng nagtataasang building. Madilim ngunit nabubuhay ng dahil sa maliliit na ilaw. "Hindi ko alam…"

I don't know how to be inlove. I don't know if it is.

Tumayo ako mula sa kama ko at pumunta sa terris nitong condo ko, malamig na hangin ang sumalubong sakin. Mabilis kong niyakap ang sarili habang pinagmamasdan ang dilim ng gabi.

Napalingon ako sa loob ng kwarto ko ng marinig ko ang pag-ri-ring ng cellphone ko. Pumasok ako sa loob at agad ding bumalik sa labas ng makuha ang tawag.

"Hello? Xam's speaking." Sagot ko sa kung sino man ang tumawag. Hindi ko na kasi natignan ang tumawag.

"Where are you?" That voice… Killian? My eyes grew bigger, hindi ako nakasagot agad sa gulat. Ineemote'an ko 'to kanina tapos tatawag, sinong hindi magugulat? Nagpapanick na ako. "Alessia—"

Agad akong napahawak sa dibdib ko ng maibaba ko ang tawag nya. "What… Bakit ba ako kinakabahan?" Napabuntong-hininga ako.

Ngunit ang gaan na naramdaman matapos ang pagtawag nya ay nasundan. Tumawag ulit siya! I immediately rejected that call! Nakaabang ako, akala ko tatawag siya ulit ngunit hindi. Nagtext nalang sya.

Hey. Answer my calls.

Reply'an ko ba? Nagtitipa na ako ng isasagot ng bigla na naman syang tumawag. His face appear on the screen. Sinagot ko ang tawag ng maikalma na ang sarili sa kanya.

He speak first. "Bakit mo ibinababa yung tawag ko?" Hindi naman galit ang tono nya, ngunit hindi din naman masaya.

Madiin kong isinara ang mata ko. "Napindot lang,"

"Dalawang beses?"

"Oo,"

Natahimik ang kabilang linya. Mukhang hindi siya naniniwala, sabagay, si Killian pa ba ang pagsisininungalingan ko? Atsaka, lame yung alibi.

"Tss. I see. Nasan ka ba?" Tanong nyang muli sa akin. Kinakagat ko na ang kuko sa nararamdamang kaba na hindi ko alam kung saan ba nanggagaling. Bago pa ako makasagot ay nagtanong muli sya, "Condo mo?"

Napabuntong-hininga ako sabay tango, "Yes. Why?"

"I'll go there. Buksan mo na ang pinto, tulungan na kitang mag-empake…"

Kumunot ang noo ko. "Empake? Why? Anong meron?"

"Just open the door, Alessia. Nandito na ako sa tapat ng condo mo." Ang bilis naman.

Unwanted Romance [COMPLETED] #Wattys2019Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon