60. Surrender

1.2K 23 22
                                        

Alessia Xamalia's Point of view

"Saan mo ba gustong ikasal?"

Narito pa rin kami sa Hollywood sign at nakatanaw sa napakagandang tanawin sa ibaba. Habang tumatagal ang paglalim ng gabi ay mas lalong kumukulay, mas lumiliwanag at mas lalong tumitingkad ang lahat. Parang sumisimbolo sa nararamdaman ko. Marahan ko siyang binalingan ng tingin. Mula sa mata nitong mapungay at tila kulang sa tulog, kabaliktaran ang nakikita kong hubog ng ngiti mula sa kadiliman ng mata nito.

"Think about it," ani ko, nakangisi't natutuwa sa nakikitang reaksyon mula sa kanya. Mas lalo lamang humigpit ang yakap niya sa akin, tila sinasakal ang tiyan ko, kakaibang pakiramdam.

"Papahulain mo pa 'ko?"
Hinalikan niya ang leeg ko pababa sa balikat ko. Napangiti ako habang pinagmamasdan siyang nakapikit habang nakayakap mula sa likuran ko.

"Ang dali-dali mo ng nakuha ang sagot ko kaya pag-isipan mong mabuti ang bagay na 'to." Seryoso ang mukha niya ng magmulat ng mata. Lumamlam ang mata't ipinaskil ang magandang ngiti sa labi.

"Clue?"

"No. Think about it, Killian."

"Kahit isa lang?"

"Alam mo na 'yan, panigurado."

"Kung alam ko… ba't 'di ko masagot?" Pamimilosopo niya. Sinamaan ko siya ng tingin at marahang inalis ang mga kamay niyang pirmi ang pagkakakapit sa tiyan ko, hinarap ko siya.

Ngayong nakikita ko ang kabuuan ng mukha niya ay hindi ko mawari ang nais maramdaman. Natural lang naman ang mga mata niyang ineeksamin ang ekpresyon ko, ang kilay nitong magkasalubong at ang labi nitong natural na tikom at mamasa-masa, kulay pula.

Bigla akong naestatwa at nawala ang naipong inis na kanina'y nagbabadya. Iwinaksi ko ang matang tulala sa tikom at masarap niyang labi, tila ito ang tatanggal ng uhaw na ngayon ay nagpaparamdam na.

Tumikhim ako. "Pag-isipan mo ng mabuti dahil hindi mangyayari ang kasal kung hindi mo alam kung saan ang venue," diretsong saad ko sa kanya.

Napaigtad ako ng maramdaman ko ang hintuturo niya sa pisngi ko, pilit na pinababaling ako sa kanya. Nagtama ang mata naming dalawa at agad na nakaramdam ng saya.

"Sa tingin ko, kahit saan naman  papakasal ka pa rin sa akin."

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng mabilis na pagdampi ng labi niya sa labi ko. Mabilis na agad kong hinahabol, nakakabitin dahil saglit lamang at nais ko pang maramdaman ang lambot ng labi niya.

Tinitigan ko siya habang natutuwa sa naging reaksyon ko. Sa bawat kibot ng labi niya'y may pumapasok na ideya't kaisipan sa akin. Nakakatakot na pala itong nararamdaman ko. Nakakaadik na parang ayaw mo ng matapos ang bawat segundo. Nakakasabik naman dahil sa kabila ng takot at pangamba, may siguradong bagay akong pinanghahawakan sa kanya.

"Mayabang!" pang-aasar ko sa kanya.

"Adik!" ganti naman nito.

"Adik?"

"Adik sa kiss ko." Ngumisi siya at muling pinatakan ng mabilis na halik ang labi ko.

Unwanted Romance [COMPLETED] #Wattys2019Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon