"Australia!" sigaw ko habang nakatanaw sa tahimik na kapaligiran ng bansa. Tumatakbo ng katamtamang bilis ang sasakyang minamaneho ni Killian.
Napaka-ganda ng paligid. Kahit na sumikat na ang araw ay malilom pa rin dahil sa dami ng punong nakapaligid sa amin-nakahilerang tila mga sundalo sa amin. Narinig ko ang pagtawa ng lalaking nasa tabi ko. Tinignan ko lang siya ng may paghanga. Whenever I am looking at him this close, maraming konklusyon ang pumapasok sa isipan ko. I am lucky and blessed to have him. I have both. I have the love I needed and the dreams I wanted. But I choose to stick to him this time, to the love we all need and I think, I made the right choice.
"Masaya ka?" tanong ni Killian sa akin.
"Oo naman. Masayang-masaya..." We smiled as our eyes met. Looking at him is like a blessing that'll never meant to break apart. That's the man right there, infront of my physical, infront of my heartfully soul.
"And i'm happy, too." Itinigil niya ang sasakyan at marahang hinaplos ang pisngi ko. Parang nais kong maiyak sa sayang nararamdaman. Hindi ko maipaliwanag. Wala akong maramdamang regrets... kahit kaonti, kahit katiting.
"Just the thought of you and i living together... as we grow older makes me feel alive and I think, when the time comes, I'll love you even more."
"You will? Kahit... bungi na ako?" I teased him.
Tumango siya. "Yes."
"Kahit wala na kong buhok?"
"Buhok lang 'yon, Alessia."
"Eh paano kung... panget na ko? Imagine, kalbo, bungi, kulubot na ang balat ko... pangit na 'ko. Hindi na rin ako makakalakad dahil sa kahinaan ng tuhod ko... Will you still love me? Will you stay kahit na wala na akong kayang gawin?" tanong ko sa kanya. Sa totoo lang, habang sinasabi ko 'yon ay na-i-imagine ko na rin ang lahat. What if the time comes... we can't stay together because of our differences? Paano kung magsawa siya? Paano kung... makahanap siya ng mas higit sa akin?
Nakakatakot isipin pero may posibilidad ang lahat. Wala akong magagawa kundi tignan siya papalayo kasama ang taong pinili niya na mas higit sa kaya kong gawin. Dahil kung wala na, wala na. Kung ubos na, ubos na. That's the reason behind their fears, afraid to commit and hold on to the things she or he has.
Wala siyang nagawa kundi ang ngumibit. Tumingin siya sa itaas na tila nag-iisip. "Let me think about it first," aniya. Kumunot ang noo ko at awtomatikong sinuntok ang bisig nito.
"Let me think about it first? Wow ha." Inirapan ko siya at tinalikuran. Alam ko naman na biro lamang niya iyon ngunit habang emosyonal akong nag-iisip ay naging iba ang dating sa akin.
Parang kaya niya talagang gawin.
Halakhak ang namayani sa pagitan naming dalawa. Habang ako'y tahimik ang malalim na ang iniisip, siya itong tawa ng tawa-walang alam sa pagdududang namamayani sa isipan ko.
"Nagbibiro lang ako. Seryoso mo, mahal." Niyakap niya ako matapos ang walang humpay na pagtawa. Hinapit niya ang bewang ko papalapit sa kanya at ipinahinga ang ulo sa balikat ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/145462348-288-k928635.jpg)