Alessia Xamalia's Point of view
Malamig ang hanging humahaplos sa hubad na katawan. Bukas ang bintana at pumapasok ang lamig ng gabi. Mula sa anggulo ng katawan ay kitang-kita ko ang madilim at mabining paligid, tahimik at tanging kuliglig ang naririnig.Hinawakan ko ang nakapulupot na braso ni Killian sa aking katawan, at marahang inalis iyon. Nais pumanhik sa labas at mag-isip, bagay na bagay ang lamig at dilim sa aking nararamdaman. Mabuti naman at hindi siya nagising, napabuntong-hininga ako. Nang mahagilap ang damit ay agad kong sinuot iyon, marahang lumabas sa kwarto kasama ang cellphone kong hindi mabitawan kanina pa. Ramdam ko ang sakit ng katawan, pati na rin sa gitnang bahaging 'yon, hindi ko inasahang ganoon kasakit pala ang una.
Nagkunwari akong tulog, kahit pagod ay pinanatili kong mulat ang mga mata. Gusto kong maliwanagan ang isip nitong mga nakaraang araw, nitong gabing ito... ngunit nauwi naman sa kakaibang pangyayaring hindi ko naman pinagsisihan. Ngumiti ako ng maalala ang nangyari kanina lamang. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko siya. Hindi ko makalimutan ang init na hatid ng mga halik niya, nang kamay niyang nagbibigay elektrisidad sa aking kalooban. Iwinaksi ko ang isiping iyon, hindi iyon ang dapat pagtuunan ko. May iba pa akong dapat isipin bukod doon at kailangan ko ng magdesisyon ngayon, habang buo pa ako't hindi nag-aalinlangan.
Umupo ako sa duyan at marahang inugoy iyon. Bukas naman ang mga ilaw niya rito kaya hindi ako nakaramdam ng takot.
Hanggang ngayon ay nananatili akong naguguluhan, hindi makapag-isip ng tama. Narinig ko siyang kausap si Rex, pinagpa-planuhan niyang itakas ako, pakasalan at kung ano-ano pa. Hindi detalyado ngunit alam kong kayang kaya niyang gawin iyon, kaya niya akong mapapayag sa gusto niya.
Hindi naman mahirap na gawin, hindi mahirap na iwan ang buhay ko lalo na't siya ang dahilan... pero may mga bagay na mas importante pa sa iiwan kong pangarap. At iyon ay ang mga taong importante din sa akin. Ayoko silang mahirapan dahil lang sa kagustuhan kong ito. Ayokong masira ang imahe nila dahil sa kapangahadan ko, pinagbigyan ko na ang sarili ko, sapat na siguro ito? Masaya ako. Sobra. Ang makasama ang taong mahal ko ay walang katumbas na kasiyahan sa puso ko, walang kahit na anong papantay. Pero kapag iisipin ko ang naiwan, magulo at masakit. Makakangiti pa ba ako? Magiging masaya pa rin ba ako ng totoo? Lalo na't iisipin ko ang mga taong nasira ko, sigurado ang lahat, masisira si Hannah. Siya ang pagbubuntunan ng galit ng management, wala ako roon at siya ang sasalo.
Huminga ako ng malalim at muling tinanaw ang bituin sa napakadilim na langit.
Ngayon, naiisip ko ang mga bagay na pinagdaaanan ko. Ang hirap, sakit at lungkot, pati na rin ang pambabatikos, pagkuwestyon sa kapasidad at sa sarili ko. Sa pagdaan ng mga taon ay namulat ako sa mundong gusto ko. Na hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mong magpakatotoo, minsan mas mainam na malinis ka at walang dumi. Years passed, maraming nagdaan at dinaanan ko lang, nagtagumpay ako. 10 months of having him, being with him... happiness and contentment filled my system. Para bang ito yung bagay na wala ako, na iniwasan ko, pero sa huli, tadhana na- maging si Hannah, ang nagtakda sa aming dalawa.
I don't like him. Yes. He's cute and handsome at the same time, he's too much for me and a dangerous one. But despite of all of that, we clicked. We liked. We loved. We're happy and wildly loving each other, we're mixed and balance. The safe and the baddass. We're even. Perfect match, we are, didn't we?
Nagre-reminisce lang ako ng mga bagay na masaya. Gusto ko munang kahit saglit lang, bago ako pumili ay maging smooth ang lahat. Hindi ko gustong sumakit ang ulo ko kakaisip ng mga bagay na mali sa amin, gusto kong isipin yung natitirang tama. Kahit na napaka-konti ng porsyento, kahit na pilit pa yung iba.
My phone beeped. Pangalan ni Paulo ang una kong nakita, he's calling me and I know the reason. I smiled sadly.
I cleared my throat as I answer his call. "Hello," panimula ko.