Alessia Xamalia's Point of view
Mararahas ang naging bawat hakbang niya patungo sa akin, nag-aalab sa galit ang mata.
"Anong ibig sabihin no'n… Xam?" rinig kong tanong ni Paulo.
Inalis ko ang tingin kay Killian at pinagtuunan ng pansin si Paulo. Kitang-kita ko ang pag-asa at pangamba sa mata niya, pero
I smiled sweetly at him. "Walang ibig sabihin 'yon—"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ay padarag ng hinaklit ni Killian ang kwelyo ni Paulo at itinapon ito sa sahig. Nagulat ako. Hindi ko inaasahan iyon!
Hindi ba't hiwalay na kami? Ipinamigay na niya ako kay Paulo! Si Paulo na ang kasintahan ko kaya natural ang naging halikan naming dalawa! Siya naman ang may gusto nito.
Kita ko ang pagdamba niya kay Paulo, jailing Paulo's face to punch him hard. At nang bumalik ako sa aking sarili'y agad ko silang dinaluhan para pigilan.
"Killian, ano ba?!" Sinubukan ko siyang pigilan ngunit hindi ko magawa. Masyado siyang agresibo para mapigilan pero kahit ganoon ay sinubukan ko pa rin.
I tried to pushed him hard but he push me before I can stop him. He glared at me, with his bloodshot and angry eyes, my eyes saw his fist covered with some blood. Paulo's blood! My eyes grew bigger and I panicked. What the hell?
Dinaluhan ko kaagad si Paulo na nakahiga at bugbog ang mukha, puno ng dugo ang bibig at ilong. He looks messed up and helpless.
"Paulo, come one… wake up," sabi ko sa kanya habang ginagalaw-galaw ang balikat niya. Hindi siya nagsalita. Hindi gumalaw. Pikit ang mga mata't tila walang malay!
Ohmygod!
"Help! Please, help us!" sigaw ko. Mabilis kaming dinaluhan ng isang may lahing bouncer, tatlo silang maingat na iniangat si Paulo para buhatin at dalhin sa hospital.
Sumunod ako sa kanila. Iwinaksi ko na sa isipan ko si Killian! I hate him. Pagkatapos niya akong ipamigay at iwan ng basta basta ay aasta siya ng ganito? Jealous boyfriend? Tss. He's nothing but a crazy stupid guy! Stalker!
Nagulat ako dahil ng makababa na kami sa ground floor ay naroon na agad ang sasakyan para dalhin sa hospital si Paulo. Hindi ko na alintana iyon dahil ang inaalala ko ngayon ay si Paulo. Wala siyang malay! At alam ko ang naging pinsala sa kanya base sa nakitang panggigigil ni Killian sa kanya! Kung gaano kalalakas ang mga suntok sa mukha, halata sa bawat sugat sa labi, ilong at iba pang bahagi ng mukha niya.
Isinakay na siya roon sa strecher na nakaabang. Bahagya pa akong natigilan sa paglalakad dahil sa kabang nararamdaman pero muli ay nagpatuloy ako, dahil kung hindi baka iwan ako rito. Sumampa ako sa loob, may isang nurse ang nag-assist sa kanya.
"Ano pong nangyari sa pasyente?" A filipina nurse, huh?
"Nabugbog siya," sagot ko. Tumango lang ang nurse at ginawa na ang paunang lunas sa bawat sugat na natamo ni Paulo.
Nagsara na ang pintuan ng van at handa ng umalis ngunit muli itong bumukas. Sumampa roon si Killian, sumakay sa van at umupo sa tabi ko. Nagulat ako na narito siya ngayon dahil siya ang may kasalanan kung bakit ganito ang kundisyon ni Paulo!
Nag-iwas ako ng tingin at binalingan na lamang si Paulo na ginagamot ng nurse. "At talagang narito ka? Guilty?" sarkastikong tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita. Hindi ko na rin tinignan pa ang reaksyon niya.