Alessia Xamalia's Point of view
Nanatili kami sa posisyon naming dalawa, nakatayo habang nakatanaw sa paborito kong tignan tuwing gabi. City Lights… I feel so alive seeing those colorful lights yet an intimate one to end the day into something memorable and beautiful. Parang ito na yung naging way ko para ilabas ang mga badvibes through the day I am thinking too much, living my existence.
My heart warms for the city light.
"Gusto mo talaga ang City Lights? Your eyes almost twinkled," biro niya. Siguro ay sinusubukan niyang pagaanin ang kaninang mabigat na pakiramdam.
Sinulyapan ko siyang saglit bago muling ibinalik ang tingin sa ilaw ng siyudad. "Yeah. I love every bit of lights, every kind of."
"Even my lights?" I nodded at his question. Lahat ng nagbibigay liwanag ay gusto ko, ngunit kahit ganoon ay mas gusto ko ang gabi kaysa sa umaga.
How can I see those lights if my surroundings is too bright? I prefer the darkness to see the behind of every colors, it's actually more brighter when darkness came.
"I wish I am the one who lights your darkness. But unfortunately, I am at the dark side too." He sounds like he's trying to make a conversation, he's trying to open up and let me into his thoughts.
"Pareho tayo." Sagot ko.
"Kaya siguro bawal?" Napalingon ako sa gawi niya. Nakatingin siya sa akin, nakangiti ngunit alam kong peke.
I looked away and try to calm myself. "Parehong madilim."
"Minsan hindi din pala magandang pareho… sometimes it's a good thing to be opposite at times, para balanse diba?"
"Para pwede?" Binigyan ko siya ng atensyon, he's still intensely looking at me. He's still wearing his smile.
Tumango siya. "Mm. Para nasimulan na din natin agad." He let out deeply sighed. Gusto kong mag-iwas ng tingin ng makita ko ang paghihirap niyang sambitin iyon, ngunit mayroon sa akin na gustong makita iyon. "Dahil nasa kadiliman ako, dahil wala ako sa gusto ng lahat na maging ako… Naligaw. Nasaktan. At nauulit ang lahat ng 'yon."
"Gago ka kase."
"Oo. Gago talaga 'ko. Inaamin ko naman 'yon, ang gago ko, talagang tanga din. Hindi ako marunong e, kapag nararamdaman ko ang senyales ng pagkagusto parang nasusuka ako…" tinawanan niya lang ang sinabi niya. Alam ko ang nais niyang iparating, gusto niyang buksan ang sarili sa akin. He wanted us to talked serious and normal, the thing we are not into. Hindi pa namin nagagawa. "Ayoko ding maramdaman, masakit daw kase yon sabi ng kuya ko… he already told me before I even experienced it. Naniniwala ako sa kanya, sa lahat ng sasabihin niya, wala e— Idol ko siya. Gusto ko siyang tularan, pero ng sabihin niya sakin iyon parang gusto kong bawiin ang sinabi kong Idol ko siya at gustong tularan." Doon ay matagal bago siya muling nagsalita. Habang nakatingin ako sa mata niya ay wala akong makita kundi kalungkutan, ngunit nanatili siyang nakangiti.
He's trying to hide the behind of the darkness he is now opening up.
"Asan ang kuya mo?" As I asked him that question, I saw his jaw clenched. What happened, Killian?
Iniiwas niya ang mukha sa akin, kunwaring nakatingin sa tree house. Segundo ay muling bumalik.
"Duwag siya. Kaya niya sinabi iyon dahil gusto niyang maging duwag din ako, pero nanatili ako sa kanya— sinunod ko parin siya…" He continue.
I remain quiet and silently observing him while listening.
"I became the boy he wanted himself to be."