Killian Giovani's Point of view
Hindi ako makatulog sa gabing iyon sa kakaisip sa nangyari. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko parin ang malambot niyang labi, sinadya ko iyon at binalak. I will make her fall for me, deeply. Napangiti ako sa naisip. Mas maraming tumatakbo sa isip kong mga plano para bukas.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto ko. Agad kong nakita ang kadiliman ng paligid, pero may munting ilaw naman galing sa poste. Umupo ako sa mababang hagdanan. Napangiting muli ako ng maalala ang nangyari kanina, ito ang epekto ng paglalapat ng labi naming dalawa.
Dito palang ay masasabi ko ng espesyal siya... Iba ang pakiramdam, hindi katulad sa iba. Iniisip ko ang itsura ko ngayon. Para siguro akong tangang nakasalung-baba habang nakamasid sa dilim at ipinapaskil ng paulit-ulit ang nangyari. 'Yun lang ang tanging laman ng isip ko ngayon.
Napalingon ako sa katabi ng tinutuluyan ko ng makarinig ako ng pagbukas ng pinto. Mas lalo lamang lumapad ang ngiti ko ng makita ko siyang lumabas roon. Hindi niya napansin na nakamasid ako sa kanya, hindi niya alam na nandito ako.
Umupo din siya sa hagdanan ng tinutuluyan niya at nakasalung-babang nakatingin sa kawalan. Siguro ay iniisip niya rin ang nangyari kanina, I assumed.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ko. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mata nito kasabay ng paglingon sa akin. Nakangiti akong tumayo at pumunta sa tabi niya, doon ako naupo.
"Ah, nagising ako..." Iniiwas nito ang tingin sa akin. "Ikaw? Bakit gising ka pa?"
"Hindi ako makatulog." Sagot ko.
Nabalot ng katahimikan ang isa't isa, nakatingin lang kaming dalawa sa kawalan. Kumportable na din naman ako sa ganito, pwede ko naman siyang titigan hanggang sa mag-umaga. Hindi ko maiwasang isipin na naiilang siya sa akin ngayon, napapangiti ako kapag naiisip iyon.
"Malalim ang iniisip mo... Ako ba 'yan?" Tanong ko. Biburuin ko lang naman siya pero parang mas lalo lang itong naiilang sa akin, kinakabahan.
"Ano? H-hindi 'no!" Hindi siya makatingin sa akin. Takot ba siyang mahalikan? Napangisi ako sa naisip.
"Gusto mong uminom?" Hindi siya nagsalita. Malalim pa rin ang iniisip, ako lang naman ang laman ng isip niya. "Alessia..." tawag ko sa kanya.
Nang hindi makatiis ay nilingon niya ako atsaka bumuntong-hininga. "Sige. Gusto ko uminom." Tumayo siya at pumasok sa kwarto niya.
Akala ko ba ay gusto niyang uminom? Bakit pumasok siya sa loob? Siguro, sa sobrang kaba niya na halikan kong muli siya ay gumawa nalang siya ng excuse. Napapansin ko na ang mga tumatakbo sa isip ko ngayon, kung ano-ano... Hindi naman ako ganito dati. Tss.
Naglakad ako palayo, papunta sa sariling tinutuluyan. Papasok na sana sa kwarto ng tawagin niya ako.
"Akala ko ba iinom tayo?" Nakapamewang na tanong nito. Nakasuot na siya ng biniling roba kanina, may saklob rin na suot.
Napangiti ako. Kumunot ang noo nito. Kita ko kahit sa dilim. "Ano? Tara na!" Bumaba na ito at naglakad patungo sa maliit na tindahan dito sa resort, sumunod ako.
Nang makarating kami doon ay ako na ang bumili ng limang can ng beer. Naglakad lakad kami sa dalampasigan habang umiinom ng beer. Napapangiri nalang ako habang pinagmamasdan siya na nauuna sa akin.
"Iinom ka talaga?" Tumigil siya sa paglalakad kaya ngayon ay katapat ko na siya.
Tumingin siya sa kin. "May hawak na akong beer, oh?" Sarkastiko niyang ipinakita ang hawak, lumagok siya doon bago ngumibit.
![Unwanted Romance [COMPLETED] #Wattys2019](https://img.wattpad.com/cover/145462348-64-k618374.jpg)