Pasensya na sa late na naman na update! Srryn!
Please do READ. COMMENT. VOTE!
Salamat! Enjoy reading!
_________
Alessia Xamalia's Point of view
"Hindi ba parang pinagtagpo talaga tayo? Isa kang photographer… Isa naman akong model, oh diba bagay!" Magiliw na ani Killian na sinundan nya ng pagak na tawa. Nagpatuloy sya sa pagsasalita habang ako ay nakapamewang na tinitignan lang sya.
"Grabe, iba si destiny no? Sobrang sakto nya…" hindi ko na narinig ang sunod na sinabi nya. Natulala ako.
Ang galing na nya! Parang nung unang try nya lang kahapon, sablay! Magmula kase niyon ay talagang pinaghusayan na nya, in-character sya lagi tuwing nagsisimula na ang pag-arte naming dalawa. Laging nakangiti, jolly, talkative at laging positibo, yun nga lang ay kapag aarte na sya, ngunit kapag sinabi ng CUT ni Direk ay agad na bumabalik ang walang emosyong mukha nito.
Nanatili akong nakatingin sa bilog nyang mga mata. Tila gulat na gulat ito. Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang malakas na pagsigaw ni Direk. "CUT! Xam, what are you waiting? Yung line mo! Nakatunganga ka d'yan! Sige, rolling. Again!"
Napapikit ako at napabuntong-hininga. "Focus, Xam." Napamulat ako ng sabay naming sabihin 'yon ni Killian. At ng makita ko sya, wala na ang ngiting kanina'y nakapaskil sa mukha nito.
"Masyado ka atang nawiwili sa pagtingin-tingin sakin, Xam. Focus, focus…" Umiling sya kasabay non ay ang paglitaw ng ngisi sa labi nya. Napatitig na naman ako. Damn. Agad kong iniiwas ang tingin ko, kasabay non ay ang malakas na pagsigaw ni Direk ng 'ACTION'!
Nagsasampay ako ng mga damit sa hardin sa harapan ng bahay. Nakaramdam ako ng tao sa likod kaya ako lumingon. I saw him there… may dala-dala rin syang maliit na batiya kung saan nakalagay ang mga damit nya.
Malaki ang ngiti nitong ginaya ang ginagawa ko. Hindi ko sya pinansin. Ipinagpatuloy ko lang ginagawa.
Nagsalita sya. "Ang tahimik mo naman… ang ganda-ganda ng sikat ng araw, parang bumabati ng magandang araw pero yung mukha mo parang bagyo." Ani nya.
Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya. "Bagyo?"
Napatigil sya na tila gulat na gulat. "Nagsalita ka?" Gulat parin na anito. "Nagsalita ka, Ingrid! Yes!" Tumalon talon ito ng bahagya. Masayang masaya.
"Tss." Inignora ko nalang sya at pinagpatuloy ang ginagawa.
"De, loko lang! Dali mong mapikon, Ms. Menopause!" Hindi ko pinansin ang pang-aasar nya. "Tinatanong mo kung bakit bagyo? Para kaseng bagyo yung mukha mo! Malamig at umuulan, feeling ko kapah sinuong ko malulunod ako… or worst, mamamatay. Diba?"
Napangisi ako. "Akala mo lang 'yon…" Isinampay ko na ang huling damit. Aalis na sana ako ng magsalita sya.
"Hindi ba parang pinagtagpo talaga tayo? Isa kang photographer… Isa naman akong model, oh diba bagay!" Malaki ang ngiti nito at tila nagpapantasya. Nakapamewang ko syang hinarap. "Grabe, iba si destiny no? Sobrang sakto nya… sakto na narito ka para sa akin," napairap nalang ako. "Narito naman ako para sayo—"
Nilagpasan ko sya. Ngunit agad akong tumigil. "Hindi ko alam kung anong pakay mo, pero sana kung balak mong manggulo... sa iba nalang, hindi ako interesado sayo, sa sinasabi mo at sa mga nais mo pang sabihin. Hindi din kita kailangan. Kaya ko ang sarili ko. Kaya ko mag-isa… sige, pasok na ko sa loob." Nagtuloy na ako pagpasok sa loob. Nang makapasok na ako ay narinig ko ang pag-Cut ng scene. I felt relieved.