Alessia Xamalia's Point of view
Papauwi na kami sa Lipa. Tinignan ko si Killian na walang kibong nagda-drive. Siguro ay pagod ito at inaantok dahil halos mag-alas tres na kami nakatulog sa sari-sarili naming kwarto. At dahil nga pagod, mabilis naman akong nakatulog pagkahiga pa lang. Hindi ko nga lang alam sa kanya.
"Tired?" tanong ko. Sinulyapan niya ako saglit at ngumiti.
"No."
"We can stop there," turo ko sa dadaanang 7/11. "So you can rest a bit…" Malayo pa kasi ang byahe, wari ko'y mahigit dalawang oras pa kami.
"You, sure?" Tumango ako bilang pag-ayon.
Itinigil niya ang sasakyan sa 7/11. Kahit konting oras man lang ay makapag-pahinga siya. Ako na ang umorder at humanap ng pwede naming makain, nakakahiya naman na tatambay lang kami rito. Bumili ako ng cup noodles, donuts, chichirya at softdrinks. Sinilip ko si Killian at nakaub-ob lang ito sa isang sulok.
Nang babayaran ko na ang pinamili ay may pumasok na tatlong babae na magbabarkada. Nagtama ang paningin namin kaya nginitian ko nalang, baka sabihin nila na snob ako.
"Mam, 215 pesos po lahat." Sabi ng cashier sa akin. Kumukuha ako ng pera sa wallet ko ng marinig kong magsalita muli ang cashier. She looks nice and sweet. "Excuse me, Mam. Tanong lang po… Kayo po ba yung artistang si Xam Merchant? Kamukha n'yo po kasi…" Nginitian ko siya.
"Ah, yes. Ako nga—"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nagtitili na ito. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Sorry, mam. Ohmygosh! Idol ko po kayo…"
Niyakap ko rin ito. "Oh, thank you."
"Ang ganda n'yo po, sobra." Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.
"Hindi naman… ganda ka rin, ah." Nahihiyang ani ko.
"Kasama n'yo po ba si Paulo? Fan po ako ng loveteam n'yo…" Nawala ang ngiti ko, napalitan ng kaba dahil sa tanong niya at dahil narinig ko ang pangalan ni Paulo. Kasama ko si Killian at hindi si Paulo. Baka kapag nakita niya na si Killian ang kasama ko… Shit.
"N-No. Hindi ko siya kasa—"
"What happened here?" Tuluyan na akong natigilan sa paghinga. Alam ko na ang mangyayari, isyu na naman ito, katulad noon. Umalis sa pagkakayakap ang babae sa akin at sabay namin nilingon si Killian. Nakakunot ang noo nito. "Are you done? Let's leave this store, Alessia." His authority is very evident. I am stunned at what is happening right now, but i'm also amazed that he can actually pull out the nervousness i'm feeling right now.
"Kane Cuevas? Kasama niyo po, mam?" Kuryos na tanong ng babae. Hindi ko alam ang isasagot ko.
"Yes." Kinuha ni Killian ang kamay ko at hinawakan iyon. Halata naman ang pagkalito sa mata ng babae. "May problema ka ba roon?"
Kitang-kita ko ang takot sa mata ng babae, natakot sa naging asta nitong si Killian. "W-Wala po, sir." Bumalik na ito sa trabaho. Binayaran na namin ang binili at nagdiretso sa sasakyan.
