58. Done

579 19 41
                                    

Alessia Xamalia's Point of view

"Sigurado ka ba talaga sa sinasabi mo, Xam?" Hindi makapaniwala si Hannah sa sinasabi ko. Mariin kong ipinikit ang mata at pilit na inalala ang nangyari kagabi. 

Nagising na lang kasi ako at wala si Killian sa tabi ko. Ang huli kong naaalala ay nagpunta kami sa rooftop para magpamasahe ng katawan, nakatulog ako kaya hindi ko na alam ang nangyari at ito na nga ako, nagising sa kama ng mag-isa. Agad kong tinanong si Hannah, narinig na rin ni Erin at Roa. Nagulat pa nga sila dahil bakit ko raw hinahanap si Killian, hindi nga pala alam ni Roa at Erin ang tungkol sa aming dalawa. Inignora ko na lamang ang iba pang katanungan ni Roa. Hindi siya tumigil sa katatanong kung hindi pa siya nasigawan ni Hannah. Tahimik na ang bakla!

At ngayon ay narito nang muli kami sa kwarto ko. Nakaupo ako sa kama, ine-explain kay Hannah ang nais kong sabihin.

"Totoo ang sinasabi ko, Hannah. Andito talaga siya kagabi," paliwanag ko, pero parang hindi siya naniniwala.

Napabuntong-hininga na lang siya habang nakikinig sa mga sinasabi ko. Si Roa ay naroon lamang sa tapat ng vanity table, nag-aayos ng gagamitin pero alam kong nakikinig siya. 

"Paano naman siya makakapasok dito, Xam? At isa pa, kung narito nga siya't nagpamasahe kayo sa rooftop, bakitbakit wala siya rito?Bakit kailangan niyang magtago?" She's right. May punto naman siya sa sinasabi niya, pero ewan ko, alam ko ang nakita ko. 

Umiling ako, walang ideyang pumasok sa utak ko. "Ewan ko, Hannah. Pero… nandito talaga siya kagabi, akala ko nga pinapasok mo, eh."

"Xamalia…"

"Totoo ang sinasabi ko, Hannah," ani ko, tila nagmamakaawa ng paniwalaan ako. Bakit ba wala siya rito? Kung pinuntahan niya nga ako, dapat narito siya! Hindi man lang nagpaalam kung saan siya pupunta.

Hindi ko na muling inungkat pa iyon. Hindi rin naman  ako sigurado kung totoo bang nangyari iyon o guni-guni ko lang o kaya naman'y panaginip lang. 

Mabilis na lumipas ang isang linggo, hindi na ito muling dumalaw—kung totoo mang narito nga siya. May isang beses pa na sinubukan kong itanong sa mga taong naroon sa rooftop, mga crew, kung nakita nila ako roon na may kasamang lalaki. I even described him like a lost child, my god! Sinubukan ko rin magpakita ng litrabto niya pero wala talaga, hindi nila maalala. Hindi nawala sa isipan ko iyon kahit na nasa mga events ako, sa kalagitnaan ng pagkanta at pagsayaw ay lagi kong iniisip na baka narito siya sa karamihan ng tao, pinapanood ako. Sinisipat ko siya mula rito, palinga-linga't may hinahanap talaga. Umaasa ako na baka dahil sinabi kong pagod ako, dumistansiya siya. Nasa huwisyo pa ako nang sabihin ko iyon, noong tanungin niya ako.

"Xam, Los Angeles ang kasunod," ani Hannah. 

Tumango ako sa kanya habang ang mata ko ay ineeksamin ang paligid. Alam niya kayang paalis na ako rito? Nakaupo ako ngayon sa bench at naghihintay ng flight namin papuntang Los Angeles. Dalawang events pa roon at tungo naman kaming Australia. Hindi pa iyong sigurado pero may balak akong mag stop doon para sa isang linggong bakasyon.

Nang tawagin na kami ay nagtungo na kami sa loob. Magkatabi ulit kami ni Hannah sa upuan. Nang magsimula ay agad akong nakahanap ng pagod at nakatulog sa buong biyahe. Nagising na lamang ako ng pababa na at naroon na kami sa L.A.

Unwanted Romance [COMPLETED] #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon