Alessia Xamalia's Point of view
Nasa van na ako at handa ng pumunta sa location ng new movie namin ni Killian. Kasa-kasama ko sa van si Erin, ang P.A ko. Inaayos na nya ang mga damit na susuotin ko mamaya, ako naman ay nag-retouch nalang muna. Dalawang linggo na rin ang nakalipas mula ng huli naming pagkikita ni Killian. Simula ng mag-walk-out sya sa condo unit ko nung dinalhan nya ako ng breakfast ay hindi na muli ito nagpakita sa akin. Kahit text, wala.
Kaya kahit na magkatapat lang naman ang condo namin ay namiss ko sya kahit na idine-deny ko ng malupet. Nakakainis. Napatigil ako sa ginagawa at naisip na naman ang naging asal nya dalawang linggo na ang nakakaraan.
"Believe me, Allesia. Hindi ako nagsisinungaling. Totoo lang."
I shrugged my head off.
"Believe me, Allesia. Hindi ako nagsisinungaling. Totoo lang."
Ibinigay ko kay Erin ang hawak na salamin at ang lipstick na ginamit.
"Believe me, Allesia. Hindi ako nagsisinungaling. Totoo lang."
Tumingin ako sa labas at nakitang makulimlim ang ulap, ngunit hindi naman uulan dahil malayo iyon. Tumigil ang van at tumigil din ang ibang sasakyan sa labas. And there... I saw his car. Matte Black Dodge Challenger. I shrugged. Damn it.
"Believe me, Allesia. Hindi ako nagsisinungaling. Totoo lang."
Ngunit ng bumaba ang windshield ng kotse nya ay nakumpirma kong siya nga, hindi sya nakatingin sakin ngunit may nakita akong ngisi sa mukha nito.
"Believe me, Allesia. Hindi ako nagsisinungaling. Totoo lang."
"Shit! Ano bang nangyayari sayo, Xamalia?" Bulong ko sa sarili habang iiling-iling na nakasabunot sa buhok. Parang gusto kong sabunutan ng hard ang sarili ko, nakakainis!
"Bakit po, Ma'am?" Napalingon ako kay Erin, hindi ko mawari ang mararamdaman ng makita ko itong tila naguguluhan sa inaasta ko. "May problema po ba?"
I force myself to smile. Ipinustura ko ng ayos ang sarili ko. "H-ha? Wala, wala, O-okay lang ako..."
Nagkibit-balikat ito. "Okay po..." anito. Sakto namang umandar ang van, mabilis akong napatingin sa labas ngunit wala na doon ang sasakyan ni Killian.
Nakaramdam ako ng lungkot.
Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa location. Hindi pa kami nakakababa may mga fans ng nakaabang sa amin. Unang bumaba si Manong bago si Erin dala dala ang bag ko. Nang buksan ni Manong ang van ay kitang-kita ko ang pagmamadali ng fans na puntahan ako, may dala-dala pa silang banner.
Napangiti ako. Nang bumaba na ako sa van ay kinawayan ko sila, tulad ng inaasahan ay naghiyawan ang mga ito. At dahil nagkakagulo na sila ay may tatlong crew ang tumulong upang makadaan ako.
Dumeretso kami sa tent. Nandoon si Direk Cathy Florencia at ang writer na si Ms. Carmina Reynoso. Agad ko silang binati na nauwi sa kamustahan at kwentuhan.
"Kelan mo lang nakilala ang Kane Cuevas na iyon?" Biglang tanong ni Direk Cathy. Napatingin ako sa ginang na diretsong nakatingin sa akin. "I don't like him, for you. Feeling ko sya ang ikakasira ng career mo…" she prankly said.
Nginitian ko lang sya. "Mabait naman s'ya…"
"Really, Xam? 'Wag mo ng pagtakpan, oh, please," anito bago humalakhak ng tawa. Nakitawa nalang ako kahit alam kong wala namang nakakatawa. Sinakyan ko nalang.
"Really, Direk… He's a good person, medyo tahimik lang talaga sya." I smiled at her. She sarcastically nodded.
"We'll see." Huling pagsagot nya bago tumayo upang i-assist ang mga staff na nasa labas. Bigla kong naalala si Killian.