Alessia Xamalia's Point of view
He was staring at me as I force my eyes to close.
Nagising ako ng maramdaman kong may umupo sa kama ko. Hindi ako madaling magising ngunit agad nabuhay ang diwa ko doon, siguro ay dahil mababaw lang ang tulog ko. Simula kagabi mas lalo lang gumulo ang lahat, he confessed his feelings for me. How can I say that I do not like him also? I even crumpled my tongue for not saying anything about my feelings.
Nagulat ako ng makita ko kung sino siya. He is intentionally staring at me like I am the diamond he treasured a lot. And it's awkward knowing that I expected Killian more than Paulo who is here right now, infront of me. Siguro ay nag-eexpect na naman ako. Mabilis kong sinarhan ang mata ko at muling ginawa ang tulog.
I suddenly heard his chuckled. Okay, cut the drama. "Good morning, sunshine." Bulong niya sa tenga ko. Nakaramdam ako ng kilabot kaya agad akong lumayo at tumayo mula sa kinahihigaan ko.
Agad akong nagtungo sa salamin at mabilis na inispeksyon ang mukha kung may dumi. Nang masigurong wala na ay nakangiti at mabilis kong hinarap si Paulo. "Good morning…" My fake smile faded when I saw someone behind him. My eyes grew wider.
Killian…
"Let's have a breakfast together?" Anyaya sa akin ni Paulo. Nanatili ang mata ko kay Killian, bumaba sa hawak niyang tray kung saan puno ito ng pagkain. Unti-unti siyang tumalikod at naglakad paalis. "Xam…"
Nabalik ang tingin ko kay Paulo. "H-ha?"
"I'm asking you to have a breakfast with me." He stated. Doon ay lumitaw na naman ang pilit na ngiti ko, tumango ako.
"Sige. Mag-aayos lang ako," sabi ko at mabilis na pumasok sa loob ng banyo. Binalewala na ang nakita kahit na gusto ko siyang habulin para sabihing siya ang gusto ko at hindi si Paulo.
Wala sa sariling ginawa ko ang morning routines ko. Nang matapos ay agad akong lumabas. Ine-expect ko na nakaupo si Killian o nanonood ng kung ano habang hinihintay akong lumabas, ngunit wala akong nadatnan doon. Tanging bukas na aircon lang ang naririnig kong ingay.
Bakit ko nga ba naisip na mananatili siya dito? Gentleman nga pala siya…
Inayos ko muna ang kama ko bago ako lumabas. I saw him patiently waiting for me. I cleared my throat to get his attention. "Let's go?" I asked him.
Mabilis itong tumayo at tinignan ako. Inenspeksyon ang suot kong floral dress, "You looks so beautiful wearing that dress, Xam." Puri niya sa akin habang papalapit sa akin.
"Salamat."
"Kuhanan kita ng picture?" Kumunot ang noo ko. Mukhang seryoso naman siya sa sinabi. Hindi pa man ako nagdedesisyon ay kinuha na nito ang camera niya sa loob ng malaking bag.
"Okay…" I have no choice.
"Sa balcony…" anito ng matapos ng iset ang camera. Nakasukbit na ito sa leeg niya habang inaayos ang lens. "Para kita yung sunrays, that's make you more beautiful…" Dagdag nito.
Sumang-ayon nalang ako at ginawa ang gusto niya. Bumalik kami sa kwarto at nagtungo ako sa balcony, nanatili naman siya sa loob, malapit sa kama ko dahil doon daw magandang kuhanan.
"Okay, stretch your arms and hold the railings, Xam. Yes, like that…" Ginawa ko ang sinasabi niya. Kung ano-anong post ang ginawa ko dahil sinasabi niya na gawin ko. "You're so perfect, sunshine…" puri nito sa akin.
Naglakad ako papalapit sa kanya at tinignan ang litratong kinuha niya. "See? You're a perfect model and I am perfect photographer just for you, Xam." Natahimik siya. Kita ko mula sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sa akin, nanatili naman akong nakatingin sa picture ko. "We are perfect together," he whispered.