Alessia Xamalia's Point of view
"Tulala?" Sabi ni Hannah ng madatnan akong wala sa sarili, nakatingin sa kawalan. Nakasalong-babang binalingan ko siya. "Balita ko nag-dinner kayo ni Kane sa port kahapon," nakangiting sabi niya. "Gabi pa. Romantic." Bumuntong-hininga ako.
Kanina ko pa siyang hindi nakikita. Nang magising ako kaninang umaga ay agad akong umalis para hindi kami magkita. Buti nalang at sa lapag siya natulog hindi niya masyadong napansin ang pagkawala ko.
Iniiwasan ko talagang magkasalubong kami. At kaninang hapon lang ay nangatok na nga ako kay Hannah kaya narito ako ngayon.
"Hannah..." tawag ko sa kanya. Nanatili itong nakangiti ng balingan ako, umupo ito sa upuang katabi ko. "I let him court me," amin ko.
Awtomatikong nanlaki ang mata nito at tila gulat na gulat sa narinig. "Si Kane Cuevas?" I sighed.
I immediately shook my head. "No. Hindi siya... si Paulo." Pagkasabi na pagkasabi ko non ay natamo ko ang malakas na batok niya, minsan lang na ginagawa sa akin. Kapag friendship mode kaming dalawa.
"Really, Xam?" Hindi makapaniwalang aniya habang ako ay hinahaplos na ang masakit na parte ng ulo ko dahil pambabatok niya. "Ang tanga mo! Why do you let him court you? Hindi mo naman siya gusto 'di ba?"
Natahimik ako. "Pwede ko namang gustuhin siya..."
"Pwede? So, susubukan mo? Hindi ka sigurado. Pagkatapos, masasaktan mo s'ya." Muli na naman akong natahimik.
Hindi sumagi sa isip ko ang bagay na 'yon. Ngayong ipinaalala niya ay parang gusto kong hanapin kung nasaan siya, maging kung saan siya nag-i-stay ay hindi ko alam. Nakaramdam ako ng guilt ng dahil don.
Ako ang nagsimula ng lahat, tinanong ko siya. "Hindi ko naman siya sasaktan." Hindi ako sigurado pero gagawin ko.
"We'll see. Dahil kapag yang si Kane Cuevas ang nagparamdam, sigurado ako... bagsak ka, siya ang pipiliin mo sa kanilang dalawa." Komento nito. Nang lingunin ko ito ay nagulat ako ng may ngiti sa labi nito na tila sigurado siya, siguradong mangyayari ang sinabi niya.
"Ano bang sinasabi mo, Hannah?"
"Itanggi mo? Bakit ka nga ba nagpaligaw? Hindi mo naman gusto," Inirapan niya ako.
Tumaas ang kilay ko. "Paano mo nasabi na hindi ko siya gusto? Gusto ko siya, kaya kong gustuhin pa siya..."
Napangisi si Hannah habang pinagmamasdan ako. Ngising hindi naniniwala sa sinasabi ko. "Xam, kaibigan mo 'ko. Kilala kita. Alam kong hindi mo siya gusto, you like someone else." Killian? Siya agad ang unang sumagi sa utak ko. And suddenly the picture of us together entered the sceneries i've been seeing right now. The present and the future.
Napa-iling ako upang alisin ang kung anumang naiisip. I gulped. "I feel like we're at the same page, magkakasundo kami." Dahilan ko, na buti naitawid ko. Ngunit base sa itsura niya ay hindi siya kumbinsido, hindi naniniwala.
"Is it enough reason for you to let him? C'mon, Xam. Stop fooling me, stop fooling yourself. I've been there before, hindi mo alam kung anong pinapasok mo..." seryosong sabi niya. Mata sa mata ay kita ko kung gaano katotoo ang lahat.
Hindi ko alam ang gagawin ko, ang ginagawa ko.
In the first place, ako talaga yung mali. Sakin lahat ang mali. Bakit pinakokomplikado ko pa?
Tumayo si Hannah ng marinig ang boses ni Kuya Keegan. "Pag-isipan mo mabuti. Reject him now. H'wag mong paasahin yung tao."
"How? Ako yung nagsabing ligawan niya ako-"