3. Pretend

1.9K 60 2
                                    

Alessia Xamalia's Point of view

Nakahiga parin ako sa kama ko. Gulo gulo ang buhok. Walang balak mag-ayos para gumora sa araw na to. Hanggang ngayon ay naiinis parin ako sa lalaking yon.

Anong pangalan?

Kane Cuevas? Tss. Sabi ko pa naman 'He's my target, perfect for someone like me' then, when i encounter him—nag-iba bigla ang gusto ko, parang hate ko na agad sya. He is not good in my career. Wala ngang pakialam sa feelings ng iba, walang modo —bastos.

Pero gwapo sya aaminin ko... Pangit lang ang ugali.

Tinignan ko ang cellphone ko ng mag-vibrate ito. May text galing sa Manager/Bestfriend ko na hindi umattend sa birthday ng kuya ko.

To: Hannah

May ipapakilala ako sa yong pwede mong maka-love team. Sana magustuhan mo sya, beb.
Meet him at my office. 12 pm.

Yun lang ang nakalagay. Tinignan ko ang oras... 10:09 am. Maaga pa pero mag-aayos na ako. Tumayo na ako mula sa kama ko at bumaba na. Naabutan kong nagluluto ang Kuya Keegan ko. Ang isa ko pang kuya. Umupo lang ako sa stool at salung-baba'ng pinanood ito.

Nakasuot ito ng kulay itim na sando, naka-apron na puti. Hindi parin nya ako nililingon ng magsalita ito. "How's your sleep? Medyo tipsy ka kagabi," sabi nya bago ako hinarap at nilapagan ako ng breakfast. Fried rice, Tapa, hotdog and egg. Hmm... Fav tapa!

Agad akong kumuha, nginuya muna ito bago ko sinagot si kuya na naghihintay. "Mmm. Medyo naparami ang inom ko kagabi, may nambwisit e." Sabi ko. Nanatili akong tulala. Naiinis ako sa inasta ko sa bar—bakit ko ba pinatulan? "Kumportable parin naman ang tulog ko kuya, no worries." Nginitian ko sya bago inumpisahan ang pagkain.

"Sabi ko na kase, dapat di ka na nagtagal don..." Tinalikudan ako nito upang ihanda naman ang kanya. He even made me a latte instead of coffee. We started our breakfast together.

Mabilis naman na natapos yon. I volunteer to wash the dishes since Kuya Keegan did the cooking. Mabilis lang din naman yon dahil maunti lang. Nang matapos ay naghanda na ako para pumunta kay Manager.

Papasok na sana ako ng bathroom ng marinig ko ang cellphone kong nag-vibrate. Nasa side-table ito ng kama ko. I pick it up. It's Managet again. Without any hesitation, I open it.

To: Hannah

Need you here at 11am sharp. Don't be late, Xam.

Nang mabasa ko iyon ay awtomatikong dumako ang tingin ko sa oras. 10:33am... Shit. Nasabi ko nalang at dali-daling nag-ayos. Nang makarating ako sa opisina ni Hannah ay nakita ko syang nakaupo sa swivel chair nya at nakangiting kinakausap ang kung sino man sa kabilang linya.

Pumasok ako sa loob, nahalata naman nya. Agad syang nagpaalam sa kausap at agad akong hinarap. May bahid parin ng ngiti sa labi nya, "Ang aga mo ha—"

"Sabi mo 11am! Late ako ng 5 minutes," nakangiting ani ko. Naglakad ako papunta sa lamesa nya at umupo sa bakanteng upuan.

"Wala pa sya e..." Pinaglalaruan nya ang ballpen nya.

"It's okay, beb. Ang panget naman siguro kung mas nauna sya—" Naputol ang sasabihin ko ng biglang mag-ring na naman ang phone nito. I shut up. Tumingin muna sya sa akin bago nya sinagot ang tawag.

"Oh?" Rinig kong pambungad na ani ni Hannah. Bahagya akong napatawa. Sinamaan nya ako ng tingin. "Oo. Nasa office ako, she's already here too— ahmm... Oo. Sige.. See you."  Ibinaba na nya ang phone  at ako naman ang pinagtuunan ng pansin.  Pinanliitan nya ako ng mata. "Wag kang mag-isip ng bagay na hindi naman totoo, beb. Masakit umasa." Tinawanan ko lang sya at nagsimula na kaming mag-usap tungkol sa hindi nya pagsipot sa party ni Kuya Xand.

Unwanted Romance [COMPLETED] #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon