Alessia Xamalia's Point of view
Alas dos y medya ng hapon nang makarating kami sa pinakatuktok ng bundok. Napakaganda dito sa taas, hindi ko mailagay sa salita ang nakikita. Para akong nakatingin sa maliliit na bahay, sobrang liit at mukhang langgam.
Nakaramdam ako ng presensiya sa likuran ko, ngunit agad ko rin nakita ng tumigil siya sa gilid ko. Si Killian, tinatanaw rin ang kagandahan.
"Ang ganda 'no?" sabi ko sa kanya.
"Ang ganda…" bulong nito.
Tahimik ang lugar, maliban nga lang sa ingay ng mga kasama. Mayroon silang iba't ibang ginagawa at pinaguusapan. At ako, si Killian, ganoon rin, ngunit tahimik kami at tila nagkakapaan kung sinong mauunang magbukas nang usapin.
Nawala na sa isipan iyon nang maglahad siya ng inumin sa akin, isang malamig na soda drink. Saan naman kaya ito galing? Talagang malamig pa!
"Thank you." Binuksan ko na iyon at ininom, nakatingin lang siya sa akin habang ginagawa ko iyon. "Inom ka?" Alok ko. Nakatingin lang kasi siya, eh.
Umiiling itong ngumisi. "No, thanks. Meron din ako." Inilabas niya ito mula sa bulsa ng kanyang jacket, binuksan at ininom.
We stayed there drinking our own sodas, this is quiet amazing. Having this kind of trip, so peaceful and low. Si Killian lang talaga ang may ganitong trip sa buhay, well, he loves night and I think that's the reason why he like being alone and low.
Gayak na itatapon ko na ang can nang pigilan niya ako. Tinitimbang niya ang gagawin ko, hindi ko nalang ginawa. Baka mamaya sabihan niya pa ako na nagkakalat sa kalikasan, e may sako naman sa gilid.
"Hindi mo pa binabasa ang notes ko. Tss." anito bago tumalikod at umalis. Galit ba siya? Notes? Oh, 'yung letter niya para sa 'kin?
Agad kong hinapan iyon, kaya naman pala hindi ko nahalata dahil nasa puwetan iyon ng can. Napangiti ako habang tinatanggal iyon.
'While looking at your figure from afar, I saw someone from my imagination. It says that you're my future partner.'
Napangiti ako. Ako ba ang pakulo niya't nagbibigay siya nito sa akin? Ilang beses na akong nakatanggap nito, lahat ng binibigay niya ay may nakadikit na notes at letter. Agad kong itinago ito sa bulsa ko. Maigi kong itinago ang iba pa, minsan lang 'to e.
Nang magagabi na ay nag-setup na nang tent para tuluyan namin sa gabing ito. Madilim na ang lugar pero nanatiling may liwanag dahil sa apoy sa gitna, nagbibigay din ng init sa gabing malamig. Pumasok na ako sa tent na tutuluyan namin ni Hannah at Helen. Ito palang ang nagagawa kaya ito palang ang nakatayo, ang mga kalalakihan ay nasa labas pa, natulong sa pag-setup ng tent nila.
I saw Hannah there, may tinitignan siyang kung ano sa cellphone niya. Hindi niya pa ako napapansin, sinulyapan ko kung anong tinitignan niya.
Litrato nila Kuya Xandro? They look happy. Mas lalo lang tuloy akong naguluhan. Anong meron?
"Hannah…" Agad naman niyang itinago ang cellphone niya. Pumasok ako sa loob.
"Ano 'yun?"
"Dito ako ah," turo ko sa bahaging gusto kong tulugan mamaya. Tumango lang siya at tila nakahinga sa iniisip niya. Humiga ako roon, ganoon din ang ginawa niya. "Minsan naiisip ko… bakit ang gulo ng tao 'no? Mahal naman nila, bakit hindi nila piliin?" Isang random na katanungan. Gusto ko lang magparamdam, baka sakaling maisipan niyang magkwento?