Alessia Xamalia's Point of view
The beautiful sun's rays hurt my eyes. Ito agad ang bumungad sa akin nang buksan ko ang zipper ng tent namin nina Hannah at Helen. Kakasikat pa lang ng araw ay ramdam na agad ang katamtamang init dito sa taas, tama lang.
Lumabas ako ng tent para sana kumuha ng kape, mayroon na kasing nakahanda doon, ito ata ang nakuhang service nina Daddy. Bago pa ako makarating doon ay may yumakap na sa akin mula sa likod, nang linggunin ko ay si Killian iyon.
"I already made your coffee latte, Alessia." Bulong nito sa akin. Napangiti ako, ngunit ng makita kong may nakatingin sa aming dalawa ay agad kong kinalas ang yakap niya sa 'kin.
"Wow. Ang sweet naman..." Papuri ko. Hindi nakatakas ang mata ko sa seryosong tingin nito, tila naninimbang at kinukwestiyon ako. "Nasaan, Killian?"
"Nandon." Turo niya sa kakahuyan.
"Saan?"
"We'll go there." Iniwas niya ang tingin sa akin. Galit ba siya? Ano ba ito, unang araw pa lang naming magkasintahan ay may away agad?
"Killian!" I called him. Hindi man lang ako hinintay! "Wait lang, ha." Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at nagpunta ako sa breakfast buffet na naroon.
Nagtaka tuloy ako, paano ito napunta dito?
"May pancake po ba kayo?" Tanong ko. Nilingon ako ni ate at doon ko nakitang nagluluto palang ito.
"Nagluluto pa lang ako, hija. Pero malapit na naman ito..." Nakangiting aniya. Naghintay ako roon ng wala pang dalawang minuto. Kumuha ako ng plate at naglagay ng tatlong maliliit na pancake sa plate ko. Naglagay rin ako ng syrup saying 'Good morning', maglalagay rin dapat ako ng 'sorry' pero baka maguluhan siya at baka mali lang rin ako.
Nagpasalamat ako kay manang at nagdiretso sa kakahuyang tinuro niya. Nilinga ko ang paningin, wala naman siya rito.
"Ano 'yang dala mo?" Napalingon ako sa gilid ko ng marinig ko ang boses niya. Seryoso pa rin ang mukha niya ngunit masaya akong kahit ganoon ay hindi naman siya galit.
Lumapit ako sa kanya. "Pancake." Medyo nakatago nga ang lugar na ito, hindi mo makikita kung sa tuwid na daan ka lang titingin.
Pagkaupo na pagkaupo ko sa tumbang punong kahoy ay iniabot niya sa akin ang coffee ko, may mga puff pa siya kaya alam kong latte nga ito. My favorite! "Ako mismo ang gumawa n'yan." sabi niya sa akin.
Itinuro ko gamit ang nguso ang dala kong pancake. "Ako ang naglagay ng syrup n'yan. Basahin mo." Mukhang hindi niya pa kasi napapansin ang nakasulat doon.
Binasa niya iyon ng walang tunog. "Parang ayaw ko ng kainin,"
"Ha? Bakit naman? Hindi ka ba kumakain ng pancake?" Sunod-sunod na tanong ko. Nakangisi itong umiling at ininom ang itim na kape niya.
Hindi ba niya nagustuhan?
Pinagmasdan ko lang siya. Nahalata niya kaya tumingin siya sa gawi ko. He place his palm in my head, ginulo niya ang buhok ko. Marahan ko namang tinapik ang kamay niya. "Magulo na nga, ginulo mo pa! Hay!" Nakakainis siya, ah. Hindi ba talaga niya nagustuhan? Nag-good morning ako!
"Nagustuhan ko, kaya tama na ang pagmamaktol mo d'yan." Tatawa-tawang sabi niya habang patuloy na ginugulo ang buhok ko.
"Tss. Hindi ako nagluluto kaya 'wag kang mag-expect!" Iniiwas ko ang sarili sa kanya.
"Wala naman akong sinabi, ah? I can cook. Don't worry..." Mayabang na sabi niya sa 'kin. Kumindat pa ito. Inirapan ko siya at nauna ng kumain ng dala niyang tapsilog. Yun kasi ang ka-partner ng coffee latte ko. Hehe.
![Unwanted Romance [COMPLETED] #Wattys2019](https://img.wattpad.com/cover/145462348-64-k618374.jpg)