Alessia Xamalia's Point of view
Naging matiwasay naman ang nagdaang mga araw. Simula nang dito nag-pasko si Killian at ang mga kaibigan niya ay dito na rin sila nanuluyan, kagustuhan na rin ni Mama dahil araw-araw din naman silang bibisita rito.
Tirik na tirik ang araw, kabaliktaran ng lamig ng gabi. Alas dos y medya ng hapon, mula sa kinatatayuan ay tanaw ko ang kulay na asul na tubig, putint buhangin at makukulay na tent na nakatayo malapit sa dalampasigan. Napaka-simple ng lugar na ito, walang kahit anong kubo o matutuluyan, tanging mga puno lamang upang silungan.
"Dito ba tayo mag-stay tonight?" Tanong ko kay Daddy. May kaunti kaming dalang damit. Kaya okay lang kung manatili kami rito, kaso kaka-beach lang namin ni Killian.
"Sinisilip lang namin, anak. I heard, your Kuya's will stay here and Hannah, right?" Nilingon ko sina Kuya na kausap nina Dad. Talaga ba? Sila lang talaga? Bakit hindi nalang kami isama?
"Si Kuya Xandro din?" I asked. He nodded. Really? "Chaperone ka, Kuya?" Pang-aasar ko. Marahas niya akong binalingan ng tingin. Hindi naman niya ako pinatulan pa.
"He will bring his girl, Xamalia. Don't under estimate Xandro, matinik din 'to—"
"Stop it, Kuya! You're not helping!" Asik ni Kuya Xandro.
"The who? Si Helen Zarasa ba, ha?" Kita ko ang gulat at panlalaki ng mata ni Kuya Xandro sa sinabi ko. Why? I'm just asking if it's his friend, Helen. And based on his expression, I know she is.
"Kilala mo, bunso?" Lumapit sa 'kin si Kuya Keegan at ginulo ang buhok ko, umiwas naman ako. Hilig nilang manggulo. "Helen Zarasa is one of the top notcher's sa board exam for Law. Isn't she smart? Bagay sa kapatid natin 'no?" Pang-aasar ni Kuya Keegan. Mukhang nakukuha ko naman ang gusto niyang iparating.
"Oh! Really, Kuya? When will you bring her home for us to finally and formally… meet her?" Pangungulit ko. Nagsensyasan pa kami ng ngiti ni Kuya Keegan.
Inirapan lang kami ni Kuya Xandro, iritadong tumalikod upang umiwas ngunit agad na natanong ni Dad. Nice one, Daddy!
"Oh, my son. I want to meet her!" Galak na galak na sabi ni Dad. Halata naman sa mukha ni Kuya Xandro na hindi siya sang-ayon, pero wala siyang magagawa.
"I want to meet her too, Xandro. We'll stay here tonight." Dagdag ni mama.
"What? No!" Tumalikod ito at naglakad palayo sa amin. Nagkatinginan kami ni Kuya Keegan at nag-apir, nagawa naming inisin si Kuya Xandro.
"Keegan, son…" Napatingin ako ng tawagin ni Dad si Kuya Keegan. "Kilala mo ba ang dine-date niya?" Mukhang interesado si Dad, ah.
"Hindi ko pa nami-meet, Dad. Pero pupunta daw dito to have her vacation."
"So, we'll stay here?" Singit ko. Binalingan ako ng lahat ng tingin, maging si Killian at kaibigan nito. "We want to see the Helen Zarasa, eh? We'll stay here, right, Ma?" Bumaling ako kay Mama na nakikipag-kwentuhan kay Hannah.
"Yes, we will, anak." Yes!
Para akong kinikiliti sa saya. Pumunta ako sa gawi ni Killian at siya nalang ang kinulit, mukha kasing may sari-sariling mga pinag-uusapan ang mga magulang ko. Ayaw ako kausapin, kay Killian nalang.
Ikinawit ko ang braso ko sa braso niya, sinamaan niya ako ng tingin. "Ang sama mo makatingin, ah." Puna ko. Sinamaan ko rin siya ng tingin.
Umupo ako sa buhanginan sa harap ng dagat. Parang noong isang araw ay kami lang dalawa, ngayon kasama na ang pamilya. Umupo rin siya sa tabi ko. "Mukhang masaya kang inisin ang kuya mo,"