4. Stay

1.7K 60 6
                                        

Alessia Xamalia's Point of view

"Isang sikat na rising star, nakita diumano na may kasamang lalaki sa isang mall.. Alamin!" Title palang ng ulat mula sa dyaryo ay alam ko ng ako iyon. Nakalagay pa ako sa blind item. Ibinaba ko ang dyaryong iniabot sa akin ni Kuya Keegan.

We're having breakfast together. My Kuya Xandro, Kuya Keegan and me. Then, suddenly Manang Wendy came at binalita sa amin ito. Wala silang kaalam-alam na ako ito, basta ipinakita lang sa akin baka daw kilala ko.

Ininom ko ang latte na ginawa ni Kuya Keegan for me. "Kilala mo ba kung sino yang rising star na 'yan, Xamalia?" Tanong ni Kuya Xand, nabulunan ako. Agad naman akong dinaluhan ni Kuya Keegan.

"Are you okay? Ba't nabulunan ka?" Natatawang ani ni Kuya Keegan. Pinunasan ko ang damit ko na natapunan ng latte.

"Ba't ba kase sobrang interested nyo!" Asik ko. Napaupo si Kuya Keegan sa upuan nya at nagkibit-balikat nalang, si Kuya Xand naman ay pinanliliitan ako ng mata, tila may alam na.

"Ba't natetense ka?" Naghihinalang ani ni Kuya Xand.

"Nagtatanong lang kami, Xam…" Kuya Keegan said while looking intently at me. He smirk. "Chill, mahahalata ka…" 

"May hindi ka ba sinasabi sa amin, Xamalia?" Seryosong saad ni Kuya Xand. I gulped. Why am i so tense? Dahil ba alam kong hindi gugustuhin ni Kuya Xand si Killian? "Tell us…"

Hindi ko alam kung hindi ba maayos ang upo ko dahil nararamdaman kong hindi ako kumportable. Para akong sinisilihan, nasa hotseat ba 'ko?

Bakit kase hindi ko pa sabihin? Masama ang maglihim. Sasabihin ko na. I breath out. "Kuya Xand, Kuya Keegan... Me and Killian are—" hindi ko natapos ang sasabihin ng biglang tatakbong pumunta si Manang Wendy sa dining.

"Sir Keegan, Sir Xandro, Ma'am Xam... Ipapakita na daw po ang babaeng nasa dyaryo, buksan natin ang T.V." Binuksan nya ang T.V ako naman ay nangangatal na, dapat kase sinabi ko na.

Nagsasalita na ang news reporter. I literally can't breath. "Rising star, Xam Merchant nakita diumano ng mga netizens na may kasamang lalaki. Kitang kita sa kumakalat na larawan na sweet na sweet ang dalawa habang  papasok sa isang Cinema House sa Rockwell. Kung maaalala ay nalink na din dati si Xam Merchant sa isang sikat na modelo at hanggang ngayon ay walang balita sa dalawa. Ito na ba ang hudyat na tapos na ang relasyon ni Xam Merchant at sikat na modelong, Raji Hannen? Hanggang ngayon ay nananatiling tahimik ang panig ng BIG Entertainment patungkol sa issue'ng ito... Maraming kinilig sa nasaksihang litrato, marami din ang agad na nanghusga, umani agad ng masamang komento. Ngunit sa tingin ko naman ay bagay talaga sila, sana nga ay sila na! Ako si Karla De Villa, nag-uulat!"

Napabuntong-hininga ako ng matapos ang maikling balitang iyon. When i look at them, I expect disappointment. But then, I saw Kuya Keegan smiled at me. "Why didn't you tell me that you and that bastard are dating?" Nanunuksong anito. I awkwardly smile at him. "Sinabi sakin ni Xandro na binastos ka nya—" hindi na natapos ni Kuya Keegan ang sasabihin dahil sumabat si Kuya Xand.

"Exactly. How come—the two of you dating? Binastos ka nya, Xamalia! Then, malalaman ko na dina-date mo sya?" Kunot-ang noo nito. Alam kong kapag ganito ay hindi nya gusto ang nalaman. He deeply close his eyes in irritation.

Mukhang oras na para mag-pretend. Magsisinungaling.

"Kuya Xand… Nung gabing nagkita kami, I lied. I already know him, he just really drunk that night kaya nya nasasabi yung mga nasabi nya." I explained. Mukhang hindi naniniwala si Kuya Xand, samantalang si Kuya Keegan ay nakangiti lang sa akin.

Unwanted Romance [COMPLETED] #Wattys2019Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon