Alessia Xamalia's Point of view
Hindi natuloy ang dinner namin ngayon, hindi siya sumasagot sa mga tawag at texts ko. Alam ko naman na mali ako dahil hindi ako nakapag-paalam sa kanya, at pinaghintay ko pa siya. Pero mali naman 'ata itong hindi niya ako pinag-explain, hindi niya pa sinasagot ang mga tawag ko.
Hindi tuloy ako mapakali. Kahit na nandito na ako sa kwartong tutuluyan ay hindi mawaglit sa isipan ko ang huli niyang sinabi ng magka-usap kami kanina. Okay. Anong okay? Bakas pa sa tinig nito ang kalamigan niya, parang may nagawa akong kasalanang mabigat. Oo, meron nga. Pero hindi pa naman niya iyon alam.
Sinubukan kong muli siyang tawagan pero hindi niya talaga sinasagot. Wala akong nagawa kundi tumunganga at hintayin ang pagre-reply niya sa texts ko. Nakatulugan ko iyon, kaya nang magising ako sa umaga ay agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan kung mayroon na. Nabigo lang ako. Lumaylay ang balikat ko nang makitang wala pa ring mensahe, wala pa ring 'good morning' mula sa kanya.
Malungkot kong tinungo ang kusina, mula sa kinaroroonan ko ay rinig ko ang landian ng magkasintahang ito. Napairap ako. Naisipan ko kung nararapat ba akong tumuloy sa kusina at istorbohin sila o huwag nalang… mananahimik nalang ako sa kwarto at patuloy na susubukang kontakin si Killian.
Nagdesisyon akong tumuloy, tama ang hinala ko. Narito na si Kuya Keegan kaya naman good mood na naman itong si Hannah. Hindi ko sila pinansin, nagtimpla ako ng kape ko, hays, plain coffee tuloy ako. Kumuha rin ako ng dalawang slice ng bread at walang imik na tumungong muli sa kwarto. Hindi man lang nila ako napansin.
"Nag-breakfast na kaya siya?" tanong ko sa sarili ng maalala si Killian. I texted him, nagtanong na din kung kumain na ba siya ng breakfast.
Nagulat ako ng magreply siya. "Not yet. You?" Sa wakas at nag-reply na din siya!
"Hey! Bakit hindi ka nagre-reply sa mga texts ko kagabi? I'm worried."
Matagal akong naghintay ng reply mula sa kanya pero hindi dumating, hanggang sa maubos ko na itong kape at two slices of bread. What's wrong with him?
I texted him again. "You're not answering my question, Killian. I am mad right now." Mensahe ko sa kanya.
Maya-maya pa ay nag-reply na ito. "Um-attend ako ng gig kagabi." Yun lang ang laman ng mensahe niya. Um-attend siya ng gig kagabi? Bakit hindi niya sinabi sa akin?
"Pupunta ako d'yan." Hindi ko na siya ni-reply. Nanatili lamang akong nag-iisip kung anong naging problema, ang gulo kasi, eh. Bago pa lang kaming magkasintahan ay ganito na agad ang dinadanas namin.
I stayed inside my room hanggang sa nabagot ako at lumabas nalang. Wala ng ingay, wala na ba si Kuya Keegan? Oh. Nagdiretso ako sa kusina at nakitang malinis iyon at walang tao. Maybe, they are go on a date?
May nag-doorbell sa kaya napatingin ako roon. Alam kong si Killian iyon, sinabi niyang pupunta siya rito. Nang buksan ko ang pinto ay hindi si Killian ang nakita ko. Hindi ko ipinahalata ang pagka-dismaya ko sa nakita, he greeted me.
"You're not staying at your condo?" He asked. Ipinagtitimpla ko siya ng kape ngayon, magkatabi lang naman ang kusina at living room kaya nagkakausap kami.
"Maraming reporters," sagot ko.
"Oh. I think, you should speak up. Para hindi na rin hassle para sa 'yo." He suggested. Nginitian ko lang ang suhestiyon niya. Hindi naman siguro halata ang tamlay ko? Hindi siya ang inaasahan ko. At lalo na kapag dumating dito si Killian… anong gagawin ko?
"Manager will decide on that. I'm still not used to answering their questions, lalo na't alam kong lalanitan nila iyon ng hindi kaaya-ayang tanong." Knowing medias. Baka iba na ang konklusyon sa utak nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/145462348-288-k928635.jpg)