Alessia Xamalia's Point of view
Naalimpungatan ako ng marinig ko ang malakas na pagsara ng pintuan. Nanlalabo ang paningin ko dahil medyo madilim pa ang paligid dahil patay lahat ng ilaw at sarado ang bintana.
Nanatili ako sa kinahihigaan ko ng marinig ko ang boses niya.
"What the f*ck, Kuya? Hindi ako uuwi d'yan. I'm with her. Stop your f*ckin' plan, if you didn't I will f*ckin' kill you! Surely!" Boses iyon ni Killian.
Nanatili ako sa kinahihigaan, sa couch kung saan niya ako iniwan kagabi. Dito na ako inabutan ng antok habang hinihintay ang pagdating niya kagabi.
"No. Bumalik ka na lang ng ibang bansa! Hindi ko pananagutan ang bagay na hindi ko ginawa!" Galit siya. Ngayon ko lang siya narinig sa tonong ito, parang kaya niyang pumatay sa galit.
Nanikip ang dibdib ko. Nakarinig ako ng yapak ng paa papunta sa kung saan, pumikit ako. Bumukas ang ilaw, maliwanag ngunit sa takot at kaba ay mas gusto ko na lang manatiling tulog sa ngayon.
"Fuck." I heard him curse a bit. I stay still. Walang balak magpahuli sa kanya, magpapanggap ako hanggang anong oras? Kaya ko ba iyon? Gayong alam kong narito lang ang presensiya niya?
Ramdam ko ang paglapit niya. He reach my face and silently-gently caressed it. Napabuntong-hininga ako sa intensidad, pero nagawan ko ng paraan. Buti na lang at aktres ako.
He continue doing it, parang inaantok tuloy ako. Nadala ako sa mga haplos niya, mula sa pisngi hanggang sa labi. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ulit ako.
Nagising ako sa sinag ng araw. Ang sarap ng tulog ko, malambot ang kamang hinihigaan ko, kumportable ang taas ng unan sa ulunan ko-Nasa ka ako?!
Napabalikwas ako ng tayo mula sa pagkakahiga. Inilibot ko ang paningin sa kwartong tinutuluyan ko. Kwarto ito ni Killian. Magmula sa bedsheet nitong kulay puti at asul na comforter. Disenyong nakakaengganyo para sa akin, nakakalalaki ang disenyo ng buong kwarto niya. May replica ng album sa ibabang bahagi ng kwarto niya.
Naantala ang pageeksamin ko sa kwarto niya ng bigla siyang lumabas sa isa sa mga pinto, wari ko'y pinto palabas at papasok dito. Mukhang nagulat pa 'ata ito ng makita akong gising na, agad siyang nagtungo sa akin.
Umupo siya sa paanan ko, nakaharap sa akin.
"Good morning. Did you sleep well? I saw you laying on my couch." His tone is calm now. Ibang iba sa narinig ko kanina, hindi ko alam kung anong oras iyon.
"Hinintay kitang dumating." ani ko.
Kita ko ang paghingi ng tawad sa mukha nito. Inis niyang ginulo ang buhok at iniiwas ang tingin sa akin. I pout. Hindi pa ba malamig ang ulo niya?
"I told you to leave, right?" Iritadong sabi niya sa akin.
"Gusto kong magkaayos tayo." sagot ko.
"Fuck. Bakit doon ka natulog?"
"Hinihintay nga kita, eh!"
"Yes! But you can go here, in my bedroom, if you're sleepy! I want you to sleep comfortably!"
"I can't." Marahas niya akong binalingan ng tingin. Ako naman ang nag-iwas.
"What?" Tumayo siya sa kama at hinarap ako ng tuluyan.
"I can't sleep, Killian..." ulit ko.
Tumalim ang tingin nito sa akin, galit na siya pero alam kong pinipigilan niya. Napabuntong-hininga ako. Inalis ko ang comforter na nakabalot sa bandang ibaba ko, umalis ako sa kama at hinarap siya.