50. Date

571 22 6
                                    

Alessia Xamalia's Point of view

"So, nagpunta ka nga?" Pagkukumpirma ko. Walang alinlangan itong tumango habang nagmamaneho.

"Kaya 'di natuloy ang dinner natin? At kaya ka tumuloy sa gig mo kagabi?" Pagpapatuloy ng tanong ko. Hindi ko kasi siya maintindihan, puro tango at pag-iling lamang ang naisasagot niya sa akin. Ayaw niyang magsalita.

"Alessia, iba nalang ang pag-usapan natin." Sa wakas ay may nasabi rin siya. Pero hindi naman ako sang-ayon doon!

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Pag-uusapan na natin 'to ngayon. Ayoko mamaya, gusto ko ngayon." Asik ko.

Nginisian niya lang ako at pansamantalang tumigil ang kotse dahil sa traffic. Sinulyapan niya ako gamit ang nakakapang-akit niyang tingin, pero hindi eepekto sa akin ito ngayon. We need to talk about this now.

"Okay. Magtanong ka lang, sasagutin ko." Pagbibigay niya. Umiiling-iling pa ito bago muling nagmaneho.

"Anong dahilan? Bakit hindi tayo natuloy sa dinner kagabi?" Tanong ko.

Biglang nag-iba ang timpla niya, kaninang ayos pa ay biglang nag-iba. Humigpit ang kapit niya sa manibela.

"What happened, Killian?" Nakita ko ang galit at nerbyos sa mata niya. Wala akong maintindihan sa emosyong ipinapakita niya, pwera nalang kung may nagawa siyang kasalanan sa akin.

"Nagtampo lang ako." Nakahinga siya ng maluwag ng maayos na nasabi iyon. Kitang kita ko ang malalalim na paghinga kanina na ngayon ay nabawasan na.

Sinulyapan niya ako at nginitian.

"Bakit ka nagtampo?"

"Who would not, Alessia? I was there! They asked me if we are in a relationship, i'm about to say 'yes, we are' but the president told me that you're in a good relationship with Galvez. They called me. Damn. Sinong hindi maiinis? Ako, gustong gusto kong ipag-sigawan sa buong mundo na girlfriend kita! And you?" Bahagya niya akong sinulyapan at inangilan. "You aren't even proud. You denied me."

Bumaba ang tingin sa magkasalikop kong mga kamay. Hearing him saying his sentiments hurt me big time! Parang bigla ko nalang kinuwestyon ang kakayahan ko bilang isang mabuting nagmamahal, bilang girlfriend niya.

"I'm sorry. I didn't mean that,"

Gusto kong angilan ang sarili sa naging sagot sa kanya. You didn't mean that, Xam? Inihilig ko ang ulo sa bintana ng sasakyan niya at sinulyapan na lang ang mabilis na paglipas ng bagay-bagay sa labas.

"May tanong ka pa?" He asked.

Tumingin ako sa kanya at umiling. Natawa siya. Kumunot naman ang noo ko.

"'Wag kang mahiyang magtanong, Alessia." Komento niya habang tumatawa.

Bwiset!

"Wala na 'kong tanong, Killian!" Asik ko. Mas lalo lang siyang natawa.

"Go ahead. Ask me." Aniya tila nang-aasar. Sinimangutan ko lang siya habang ang presensiya niya ay pabalik balik sa akin at sa daan.

"Pinipilit mo 'ko, Kane Cuevas?"

Nang banggitin ko ang call name niyang iyon ay nawala ang halakhak niya. As in, parang isang plakang bigla na lang nai-pause. At yung mukha niya? Parang gusto niyang magsalita ngunit pinipigilan niya. Gusto kong tumawa pero hindi ko gagawin iyon.

"Do you want me to ask you, huh? Siguraduhin mong sasagot ka!" Kunwaring bulyaw ko.

Sinulyapan niya ako. Nakipag-titigan ako at hindi siya nakatagal. 'Wag ako ang hamunin mo, Killian, ha! Kayo kong baliktarin ang sitwasyon. Insert my evil laugh, there.

Unwanted Romance [COMPLETED] #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon