38. Two

686 25 3
                                    

Killian's Point of view

"Seryoso? Sinabi talaga ni Kane 'yon?" Rinig kong pinag-uusapan nila ako. Mula sa kwarto ay nagkukwentuhan sila sa living room habang nanonood ng t.v. Kakauwi lang namin galing sa Lipa. Nag-stay kami sa hotel dito sa Malvar.

Nag-suot na ako ng puting tshirt at inilapat ang katawan sa malambot na kama. Buti nalang at dalawa ang kama dito. Aldrex and Fausto will share the bed, while Drago and I.

Sinubukan kong ipikit ang mata ko ngunit si Alessia lamang ang nakikita ko. Hinayaan niya akong yakapin siya, ibig sabihin ba no'n ay malaki talaga ang porsyento ko? Lihim akong napangiti sa naisip.

Wala naman akong balak na gawin 'yon, dahil na din siguro sa selos ay napilitan akong gawin ang bagay na 'yon… pati ang pangalan ng pamilya ko ay ginamit ko na. The heir of CKG Building, huh?

Hindi ako makapaniwala na nasabi ko ang bagay na 'yon.

Bago ko muling ipikit ang mata ko ay lumakas ang ingay nila, hudyat na papasok sila dito sa kwarto.

"Bro, binata ka na talaga!"

Agad kong tinaklubang ng comforter ang ulo ko, ang ingay ni Fausto. Kahit ganoon ay rinig ko pa rin ang nakakarindi niyang hagikhik. Tss.

Hinila nito ang kumot ko. "Hoy, Kane Cuevas! Bumangon ka d'yan, bro, marami ka pang ikukwento sa amin." Ang kulit.

Napilitan akong tumayo mula sa pagkakahiga. Tinignan ko ng masama ang walang hiyang si Fausto, nakakaloko ang ngiti nito sa akin, ang sarap bigwasan!

"What's your f*ckin' problem, Fausto?" I tried to calm myself, pero nakakainis pa rin ang pagmumukha niya.

"Bro, binata ka na talaga!" Tumalon ito at dinamba ako. Shit. Tuwang-tuwa ang gag*!

Marahas ko siyang tinulak palayo sa akin, "Don't you dare come near me, Fausto! I'll kill you, man." Banta ko.

Tawang-tawa naman si Drago at Rex. Kinuha ni Rex ang leeg ni Fausto at sinakal ito. "H'wag mong pag-initin ang ulo ng inlove, Fausto! You have no idea how powerful the love is."

"Rexy, baby, alam ko." Tinignan pa ako nito ng malaswa. Tang*na, nakakadiri.

"Baklang bakla ka." Ani ko. Humiga na ulit ako sa kama at hindi nalang pinansin ang pagdaldal ni Fausto. Parang bakla ang gago, ang daldal. Tawa lang ng tawa yung dalawa.

Umaga na at naghahanda na ako para sa araw na ito. Alasais palang ay nagising na ako, naligo at nag-ayos. Talagang pinaghandaan ko ang araw na 'to. Suot ko ang simpleng puting round neck shirt ko, itinaas ko na din ang buhok ko.

Tinignan ko ang sarili sa salamin. Okay na. Gwapo na, perpekto pa. Napangisi ako sa iniisip, parang ngayon lang ako naging mahangin ng ganito. Nilawayan ko ang labi para mas lalong magkulay pink.

"Aga mo pumorma, bro, ha?" Ani Fausto. Kumunot ang noo ko at hinarap siya. Nagkukusot pa siya ng mata niyang may muta. Tss. "Sama kami, bro, hintayin mo kami." Sabi pa nito.

"H'wag na." Tanggi ko.

"Susuportahan ka namin, bro—"

"No need, Fausto."

"Bro, kaibigan ka namin—"

"H'wag ka na magdrama, Fausto, p'ede ba?" Inis na ani ko. Imbes na pakinggan ako ay dali-dali itong nagtungo sa bedside table at kinuha ang susi ko doon.

Damn.

"Ibigay mo sa 'kin ang susi ko." Sinusubukan kong maging mahinahon. Nagpunta naman ito sa gawi ni Rex at niyugyog iyon.

Unwanted Romance [COMPLETED] #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon