Alessia Xamalia's Point of view
Natapos ang shooting para sa araw na 'yon na hindi kami nag-uusap ni Killian. Palaging nakakunot ang noo niya at nakatingin sa kung saan, kahit ang paglapit ko sa kanya ay iniiwasan nya. Nakakainis! Bakit siya sakin galit? Wala naman akong kasalanan! Kasalanan ko bang paborito ko talaga ang chocolate?
Nang hilahin nya ako palabas ng tent ay pumunta kami sa van ko, walang tao sa loob. We end up there, lock and secure.
Marahas nya akong binalingan matapos nyang maiayos ang upo katabi ko. "Hey. You sure, you want his chocolate cookies than my cookies? Are you really…" natigilan sya sa sasabihin. Kitang kita ko ang inis sa mga mata nya, he looked away.
"I really like chocolate flavor, so, maybe yes!"
"Tss. Edi umamin ka rin!" Asik nya.
"Anong umamin ba, Killian?" I shifted my seat and face him with annoyance.
He return the stares. But, he stay still. Walang salitang sinabi, ngunit base sa mga tingin nya ay gusto ko ng matunaw at h'wag nalang tumingin sa kanya. He really that mad? Just because I want Paulo's Chocolate cookie than his?
"Killian, ano bang sinasabi mo?" I awkwardly remove our eye-connection. Bumuntong hininga ako. "Look, Paulo is a friend…"
"A friend of what, Alessia? Don't fool me with that word! I can see that he's attracted to you," Nag-igting ang panga nito kasabay ng pagkuyom ng palad niya.
"Masisisi mo ba sila na attracted ako? Sorry, maganda e…" I joked. Ngunit hindi nya ata nagets ang biro ko, sinamaan nya lang ako ng tingin. Tina-try kong pagaanin ang pag-uusap namin but he's too mad at me! Tsk.
"Stop joking around, Alessia. I'm serious."
"Seryoso din naman ako, bakit hindi ba ako maganda?" Tanong ko sa kanya. Napalingon sya sa akin ng bahagya ngunit agad din namang ibinalik ang tingin sa unahan. Iniiwas ko rin ang tingin ko. "Sabagay… hindi naman ako yung tipo mo, mas gusto mo 'yung maputi, matangkad… mala'diyosa ang ganda." Pilit ko nalang binabalutan ang tarak na naramdaman ko sa dibdib ko. I sway my hand off my legs. My mannerism.
"Tss. Let's go…" Nakakunot noo parin ito ng binuksan ang pintuan ng van. Akala ko ay hihintayin nya ako ngunit mali ako, marahas nyang sinara ang pinto at naglakad paalis, papunta sa tent.
Malalim akong napa-buntong hininga. Parang may biglang naglaho sa kalooban ko. Hindi naman ako umaasa, nagsisinungaling ako dahil kahit sabihin kong hindi, meron talagang parte ang gusto at sana nga ay totoo.
Hindi ko gusto na mag-assume. Babae ako, all his actions matter to me. All his smiles melted me inside. All his gentleness that I am looking for him the first day we met is already clear, he acts as if he cared. Anong iisipin at mararamdaman ko? Yes, maybe, I assume.
Maybe, he is just really good at making a girl fall for him. Good at womanizing around without caring what we feel. He is really good at fooling around. He is. The rudest guy.
Sumunod ako sa tent, kita ko silang dalawa na nag-rerehearse. Una akong nakita ni Paulo, he greeted me. "Xam…" Tumayo siya at inalalayan akong umupo sa tabi niya. Wala na ang inis sa mukha nito, masaya na ulit sya. Ngumiti rin ako sa kanya. "Binabasa ko ang script, nabasa ko na may sikretong pagtingin ka sa akin. And…" kita ko ang kislap sa mata nito.
"And?"
"I think you should read the script," he suggested.
I heavily sighed. "Mabuti pa nga," I grab my own script at his side and read it silently. Kumunot ang noo ko ng mabasa ang script na nakatakdang gawin ngayon.
![Unwanted Romance [COMPLETED] #Wattys2019](https://img.wattpad.com/cover/145462348-64-k618374.jpg)