Alessia Xamalia's Point of view
Nakaupo ako sa kama ko, ready na ang lahat ng gamit ko para sa taping ngayong araw. Nasa labas na si Erin. Ngunit ang katawan ko ay tila wala sa huwisyo.
Ibinagsak ko ang katawan sa malambot na kama. Pinagmasdan ko ang puting kisame na napalilibutan ng puting ilaw, hindi naman masakit sa mata, but Killian hate this for sure.
Ayaw nya sa liwanag. Maybe, that's the reason why he always wanted to be in the midnights. Midnight, night, scares me. Magkaiba kami, magkaibang-magkaiba. I place my wrist on my forehead. I immediately closed my eyes.
Wala siyang sinabing kahit ano… Wala siyang sinabi, ngunit nararamdam at kita ko sa aksyon niya sa akin.
"Hindi naman alibi 'yon, baka friendly lang s'ya." Natampal ko ang sarili ng sabihin ko 'yon. Friendly? Kelan naging friendly, Killian? I rolled my eyes. "Ayokong mag-assume, pero kase…" I sighed. Hindi ko na ata kayang dugtungan ang iniisip.
I shrugged. Tinitigan ko nalang ang puting kisame at nilunod ang sarili sa puting ilaw. Kasabay non ay ang pag-ring ng cellphone ko, kinuha ko ito sa gilid ko at tinignan kung sino ang caller.
Nanlaki ang mata ko ng mabasa kung sino 'yon. Si Killian. I panicked. Hindi ko alam kung anong gagawin, sasagutin ko ba? Wag nalang kaya? Argh! I shrugged my head off.
Kapag hindi ko sinagot anong alibi naman ang sasabihin ko? Hindi pa ako nakakaisip ng aksyon ng mamatay ang tawag.
Nakahinga ako ng maluwag. Inantay ko ang muling pagtawag nya ngunit hindi nangyari 'yon. Kumunot ang noo ko.
Hindi man lang tumawag ulit? Malay mo natae ako at hindi nasagot ang tawag? Bwiset.
Bago pa ako mag-inarte ay nakarinig ako ng katok. "Sino yan?" Tanong ko. Wala akong natanggap na sagot. "Erin?" Tumayo ako. Walang hesitasyon ko 'yong tinungo at binuksan dahil sino ba naman ang kakatok kundi si Erin lang. Marahil ay nainip na ito sa paghihintay dahil sa tagal kong hindi mapakali dito sa loob ng kwarto.
Literal na nanlaki ang mata ko ng madatnan ko ang seryosong lalaki na hindi ko nanaising makita sa oras na 'to, ngunit wala, narito sya. Nakatayo ng maayos at seryosong nakatingin sa akin.
"Killian…" Nasambit ko nalang.
Awtomatikong gumuhit ng ngiti ang labi nito. "Good morning." Bati nya sa akin. Maganda ang ngiti, sumilay ang guhit na biloy nito sa kaliwang bahagi ng gilid ng labi nya.
Ginantihan ko ang ngiti nya. "Good morning…" Hindi nagtagal ay iniiwas ko ang tingin sa kanya, nakakailang. Dumako ang tingin ko sa hawak nyang tray. May laman iyong pagkain. Scrambled egg, bacon, fried rice, buttered bread and a cup of latte.
Napatingin ako sa kanya. "I called you, you didn't pick up my call, so… yeah, breakfast?" He awkwardly offer the tray full of delicious food. I quickly looked away. Gusto ko sanang tanggihan ngunit hindi ko magawa, hindi dahil masarap ang pagkain. Kundi dahil alam kong nag-effort sya para dito.
Kinuha ko ang tray at pumasok sa loob. Inilapag ko ito sa malapit na mini-table, ramdam ko sa likuran ko ang presensya nya. I immediately face him, he's seriously staring at me and I don't like the way he look at, it scares me. "Nakapag-breakfast ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Pinilit ko ang sariling hindi mautal dahil paniguradong mapapansin nya yon.
He shrugged. "Hindi pa." Umupo sya sa mini-sofa kung saan nakaharap sa mini-table. "Sabay tayong mag-breakfast," he said. I freeze. Nakatingin lang ako sa kanya habang sya ay nakatingala sa akin at tila tinatantya ako.