Alessia Xamalia's Point of view
Lumabas ako sa room ko at nakangiting sinalubong ang araw. Napakasarap sa balat at pakiramdam ang katamtamang init at lamig ng paligid, dahil siguro nagtatalo ang dagat at araw. Natawa ako sa naisip. Nilingon ko ang katabing kubo, kung saan tumutuloy si Killian. Sarado ang pintuan at napakatahimik ng lugar. Hindi pa ba siya nagigising? Hindi pa lumalabas mula ng pumasok siya roon?
Oo nga pala, late na kaming natulog. Sinabi ko nalang sa kanya na nagising ako ng lumabas ako nang madaling araw, baka mamaya ay isipin niya na hindi ako makatulog ng dahil sa nangyaring halikan sa pagitan naming dalawa.
Nakasuot na ako ng one-piece swim wear ngunit pinatungan ko naman ng maong short ang pang-ibaba, dahil hindi gaano kawastong lumabas ng ganoon ang suot. Mukhang exited ako sa pagbi-beach kahit na hindi naman beach season!
Nagpunta ako sa kubo na tinutuluyan ni Killian. It's almost 12 in the afternoon, kailangan ay gising na siya ngayon para sulitin ang araw na 'to. Kumatok ako sa bamboo door. "Killian?" Kumatok muli ako ngunit wala namang sumagot, wala ring kaluskos mula sa loob kaya nasisiguro kong tulog pa nga ito. At mahimbing iyon…
Sinubukan kong buksan ang pinto. Nagulat ako ng bumukas ito ng walang kahirap-hirap, napailing ako. "Hindi man lang i-lock ang pinto…" bulong ko sa sarili. Nang makapasok ako doon ay agad ko siyang nasilayan, tulog na tulog at nakaawang pa ang mga labi sa himbing. Muntik na akong matawa. Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ang kapayapaan ng pagtulog nito.
I need to capture this moment! Agad kong inilabas ang phone ko at nag-take ng pictures niya, iba't ibang angulo at ang cute niya! Natawa ako. I was about to post the photos of him when suddenly, he grab my arm at napaupo ako sa tabi niya. "Killian…" I said. He immediately wrapped his arms around my hips and he hugged me tight.
"Hmm?" His bedroom voice awaken me. Like, seriously? I'm inside his room and he's like a clingy boyfriend who need something from me. Hell, no! Stop imagining things, Xamalia!
"Gumising ka na." Sinubukan kong alisin ang braso niya sa bewang ko ngunit mahigpit iyon at hindi ko maalis. Kumunot ang noo ko. "Alisin mo—"
"Stay still, please." I stay still. Hindi ko alam kung bakit pinapabayaan ko siya. Hindi ito pwede! "Ang sakit ng ulo ko…" Daing nito. Ano daw?
Agad kong hinipo ang noo at leeg nito. Hindi naman siya gaanong mainit, konti lang. "May sakit ka ba?" Umiling ito. "May sakit ka eh!" Kumalas ako sa pagkakayakap niya at tinignan ng ayos ang mukha niya, okay naman, mukha namang wala siyang sakit.
Nagmulat siya ng mata at ngumiti. "Hang-over," sinapo pa niya ang ulo at ngumibit. Napairap ako.
"Ang hina mo pala uminom!" Asar ko sa kanya. Umayos ako ng upo at isinandal ang likod sa bandang tiyan niya. "Sa pagkakatanda ko ay naka-dalawang can ka lang o tatlo?" Totoo naman, eh. Naka-dalawa lang 'ata siya noon.
"Yeah." Ngumiti siyang muli sa akin. "I don't know why I have this sh*t." Dagdag nito. Hinilot-hilot nito ang sentido, mukha ngang masakit ang ulo niya.
Bumuntong-hininga ako bago tumayo sa kinauupuan. Hinarap ko siya, nanatili lamang ito sa ginagawa at nakatitig sa akin. "Sa labas muna ako…" ani ko.
"Intayin mo na 'ko,"
"Masakit ang ulo mo, 'di ba?"
![Unwanted Romance [COMPLETED] #Wattys2019](https://img.wattpad.com/cover/145462348-64-k618374.jpg)