Alessia Xamalia's Point of view
Nagising ako sa malakas na tawanan ng mga kalalakihan. Noong una ay hindi ko pa 'yon pinansin ngunit ng nagtagal ay naalimpungatan na ako. My eyes widened when I saw who's watching me closely and laughing so hard. Those are Killian's friends! At ang pinakamalakas na tawa ay kay Fausto.
"Yieeee! Ang sweet!" Pangbubuyo ni Fausto. Nagtaka ako kasabay non ay ang pag-alala ko sa katabi. Bigla akong napatingin sa katabi ko, literal na nanlaki na naman ang mata ko ng makita kung sino ito.
Mahimbing ang tulog habang hawak hawak ang kamay kong nasa dibdib niya. Agad kong inalis 'yon at mabilis na tumayo mula sa pagkakahiga. Nagtawanan na naman ang tatlong lalaki at nanatiling walang pakelam ang isa.
I know them. Ngunit hindi ko matandaan ang mga pangalan nila. Imbes na kausapin ay tinalikuran ko sila at naglakad paalis.
"Lagot ka, Fausto! Nagwalk out…" Rinig kong bulungan nila. Todo depensa naman si Fausto. Hindi ko na narinig pa ang sinabi nila dahil nakalayo na ako, nagtuloy-tuloy sa pag-alis dahil sa kahihiyang nangyari kanina.
Dire-diretso ako sa kwarto namin. As I enter the room, I was dumb founded. I can't breath normally. Hindi maalis sa utak ko ang posisyon naming iyon, bigla ay may naramdaman akong kakaiba… Pakiramdam na ayaw ko ng maramdaman. Ito na naman siya.
Hindi na talaga okay 'to.
Sumandal ako sa pintuan at dinama ang dibdib ko. Mula dito ay tanaw ko ang kabuuan ng tinutuluyan naming dalawa, mula sa maayos na pagkakapatas ng unan at ang walang maipipintas na pagkakahagod ng puting kumot.
Siguro'y si Killian ang nag-ayos nito. Hindi naman makakapasok ang mga maintenance dahil pribado ang kwarto, naka-lock.
Bukod doon ay mas malalim pa ang bumabagabag sa isipan ko ngayon. Hindi ko mawari kung bakit ganoon ang kinahinatnan naming dalawa…
Kumain lang kami ng breakfast e… Bakit ganon na?
"Ang landi-landi mo, Xam!" Nako, kapag nakita ka ng manager mo, malilintikan ka! Ani ko sa sarili. Parang gusto ko tuloy batukan ang sarili, nakita pa iyon ng kaibigan niya!
Napakamot ako sa ulo ko, paikot-ikot ako sa kwarto. "Bakit ba kase ganon? Bakit ba kase ako nandito? Ano, nawala na ang ulirat mo at pumayag kang nasa iisang kwarto lang kayo?" Sermon ko sa sarili. Naloloka na nga ata ako! Kinakausap ko ang sarili ko, pinagagalitan dahil sa totoo lang ay pareho kaming may kasalanan! Oo. Pareho, kahit iisa lang talaga ako.
I rolled my eyes.
"Ni hindi nga kayo mag-on…" Humina ang boses ko matapos ay napa-buntong hininga nalang. Naglakad ako papunta sa kama ko at pabagsak na naupo doon, maya-maya'y humiga na rin dahil sa pagka-frustate.
I quickly close my eyes as I cover my eyes with my arm, ganoon rin kabilis ang pagmulat at pagtayo ko mula sa kinahihigaan ng marinig ko ang pagbukas ng pinto.
Naabutan ko don si Killian, nakahawak sa door knob— kapapasok lang. Seryoso at walang bahid ng katatawa ang mata nito maging ang mukha nitong walang ibang reaksyon.
"P-paano ka nakapunta—" Hindi ko na naituloy ang itatanong ng itaas nya ang susi. Natahimik ako.
"I have my keys…" Iwinagayway nya pa ito, tila nang-aasar. Dahan-dahan ay lumapit siya sa gawi ko, ako naman ay halos pumunta na sa kasulok-sulukan para lang hindi kami magtagpo.
Nang marating niya ako ay agad kong iniiwas ang tingin sa kanya. "Lumayo ka nga… masyado kang malapit."
Nanatili ang ngisi sa labi nito, mas lalo lamang akong kinabahan sa pinapakita niyang reaksyon. "Killian…"
![Unwanted Romance [COMPLETED] #Wattys2019](https://img.wattpad.com/cover/145462348-64-k618374.jpg)