Alessia Xamalia's Point of view
Kakadating lang namin sa Batangas, kasama ko si Kuya Keegan at Hannah. Napatingin ako sa gate ng bumukas ito at pumasok muling sasakyan. Sa tingin ko ay si Mama at Daddy na iyon, bumaba ako sa backseat at kasabay non ang pagbaba ni Kuya Xandro sa driver seat.
Natigilan ako.
Hindi niya man lamang ako sinulyapan. Dumiretso ito sa backseat at binuksan iyon, doon ay bumaba si Mama at Daddy.
Napatakbo ako sa kinaroroonan nila, "Ma! Dad!" My dad open his arms for me, niyakap ko siya ng mahigpit. Naramdaman ko din ang marahang paghalik nito sa buhok ko.
"I miss you so much, hija…" my dad whispered sweet words.
"Kamusta na ang bunso namin?" Tanong ni Mama sa akin.
Kumalas ako sa yakap at binalingan si mama. Niyakap ko ito ng mahigpit. "Okay naman, ma. Medyo kaya na." I answered her.
"Kaya na? What do you mean, anak?" Dad asked me. Hindi ko tuloy kung anong sasabihin ko. Hindi nila alam na doon na ako nakatira sa condo ko, ako ang nagdesisyon na huwag sabihin sa kanila dahil alam kong magpa-panic sila at pababalikin ako sa Ilo-ilo.
Pero, hindi ko alam kung nabanggit ba ni Kuya Xandro. Tinignan ko siya. Kitang-kita ko ang pagbagsak ng katawan nito, may munting balbas na ito kaya halatang halata na napapabayaan niya ang sarili.
He's just stared at me.
Sasabihin ko na sana ng sumabat si Kuya Xandro, "She's living alone in her condo, dad." Sumbong nito.
Pinanlakihan ko ito ng mata. Sinabi niya! "Totoo ba iyon, Xamalia?" The dangerous tone of my dad's voice is very evident. I'm shakin', this is Kuya Xandro's fault! I gritted my teeth.
Bumaba ang tingin ko. "Dad, Ma… I'm not a teenager anymore—"
"You just need to answer yes or no, Xamalia!" His voice thundered like a hunter ready to steal his prey. Damn. Nakakatakot talagang magalit si Dad. Napakabilis din na magalit.
Tumingin ako kay mama, humihingi ng tulong. Ngunit umiling ito at tila pinapagalitan din ako sa tingin niya. "Delikado iyon, anak, inilihim mo pa sa amin ng Daddy mo."
"Yes, you are not a kid anymore! But… you are a lady now, someone might harass you!" Parang gusto kong suntukin si Kuya Xandro when I saw him smirking, telling me 'buti nga'.
"Dad, sorry, but I want to have myself alone. I want to feel the freedom to decide for myself. Sorry, Dad, Ma…"
Kitang kita ko ang inis sa mukha ni Dad, si mama naman ay sinusubukang aluin ang asawang mainit ang ulo sa kanyang suwail na anak. Gusto kong matuwa sa naiisip ko, ngunit hindi ko din gusto ang pagiging overprotective nila sa akin, gusto kong tumayo sa sarili kong paa. Gusto ko maging independent.
"Kadarating lang at magsisimula palang sa bakasyon ay sakit sa ulo na agad ang isinalubong mo sa amin, Xamalia!" Bwelta ni Dad.
My eyes bore to Kuya Xandro, still smirking. Damn. So irritating! "This is his fault, Dad, not me! Kuya Xandro, You should tell him that after we enjoyed this vacation!" Bintang ko sa kapatid kong wala atang pakialam kahit pinapagalitan na ako ni Dad.
"He's asking," kaswal na sagot nito.
"Then, you should let me handle this!" Hindi na ito sumagot ngunit nanatili ang ngisi sa labi nito. Nakakainis.
Nagpaalam na ako kay Mama at Dad na papasok na sa loob. Ayaw pa sana nila akong paalisin dahil papagalitan pa, pero sumingit si Kuya Keegan para ipaliwanag sa kanila. They can't understand me, gusto ko lang mamuhay ng hindi umaasa sa iba. Kuya Keegan understand my decision, and Kuya Xandro cannot.