Alessia Xamalia's Point of view
Tahimik akong nakasakay sa kotse ni Paulo. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay iniisip ko ang pang-rereject ni Killian sa akin. Inaya ko siya, ngunit hindi iyon ang inaasahan kong sagot at reaksyon niya. Siya ang nanliligaw sa akin, pero feeling ko sa ginawa kong iyon ay ako ang sumusuyo sa kanya. Hays. Napakaswerte naman talaga, Kane Cuevas.
Wala ang utak ko sa biyaheng ito. Nakatingin lang ako sa mabilis na paglipas ng lugar na nadaraanan.
"Xam?" Rinig kong tawag sa akin ni Paulo. Tumingin ako sa kanya. "Hindi ka pa ba gutom?" Kuryosong tanong nito sa akin.
I force myself to smile. I shrugged. "Not yet. Ikaw? Are you… hungry?" Err. Tama ba ang sinasabi ko? Tama namang tanungin ko siya 'di ba?
His smile fade, "Hindi pa din…"
Kailangan kong isalba ang atmosphere naming dalawa! Baka mamaya ay magaya na naman ang araw na ito sa nangyari kahapon. Ayoko ng mangyari 'yon. Mabilis kong nilingon ang busy sa paglalarong si Platon. Nasa backseat siya at naglalaro ng kung ano sa tablet niya. "How about you, Platon? Are you hungry? We can stop by to grab something to eat." Maligayang ani ko sa bata.
Mabilis itong nagtaas ng tingin sa akin at tuwang-tuwang nagsaya. "McDo! McDo! I want fries, I want Spaghetti, I want fillet, I want McFreeze, I want chicken, I want burger! I want everything! Yey!" Natawa naman ako sa ipinakita nitong pagka-exite, parang nahawa na din ako, natutuwa ako.
Buti nalang kasama ka namin, Platon. Napabuntong-hininga nalang ako sa isip ko.
"You want all of that, Platon? We will buy you all, 'kay?" Mukhang nabago ko naman ang awkward na atmosphere kanina. Mukhang masaya naman si Paulo, he's happy now knowing that I am enjoying. Hay. I don't how I can enjoy this without this guy beside me, driving our car.
"Ikaw, Paulo? You want some… fries, spaghetti, fillet, mcfreeze, chicken and burger too?" I offer, tumawa lang ito dahil mukha nga namang nagpapatawa ako. Why? I know that he loves McDo too, just like Platon. Hindi niya ako maloloko. Isip bata! "Don't hide your love for McDo, Paulo. Kahapon nga kitang-kita ko, punong puno ang bibig mo, parang gusto kong sabihin 'Hindi ka mauubusan niyan, hinay-hinay lang'. Kaya sa tingin ko paborito mo talaga iyon…" Tawa naman ng tawa ang magkapatid, konti nalang talaga masasabi kong magkambal sila. They have the same resemblance of face, lalo na sa mata at ilong, mas manipis nga lang ang labi ni Platon.
"Ate Xam, I will tell you something about my Kuya! You know, he really loves Stich! I saw him watching them and he's like, giggling like a crazy guy who watch it the first time and enjoyed it later. Maybe, that's the reason why we're brothers, pareho kami may love na funny creatures." Kwento ni Platon. Natawa naman sa pambubuking nito sa kapatid. Si Paulo naman ay hindi alam kung matatawa ba o maiinis sa kapatid.
"Platon, enough." Natatawang ani Paulo.
"Paborito mo pala si Stitch, ha? Ang cute naman." I imagine Paulo's room having a full bunch of Stitch all over his room. Nakakatawa lang na isipin na sa likod ng pagkakakilala sa kanya bilang isang mahusay na photographer at isang artista ay ganoon pala ka-soft ang personalidad niya kay Stitch. Ang cute lang isipin.
"Ate Xam, that's his secret! A hidden one… but because you love my kuya, I let you know!" Naging mapakla ang ngiti. Pinilit kong huwag mawala ang ngiti ko at panatilihin ang emosyon ko, itinataas ang sarili kahit gusto ko ng tanggalin.
Tinignan ko si Paulo. Nakangiti siya sa akin. How can I hurt him? The way his lips formed into a smile… napapaisip ako kung kaya ko bang gawin ang sinasabi sa akin ni Hannah. Alam kong gusto niyang pumili ako sa pagitan ni Killian at Paulo. Alam din niya kung sino ang pipiliin ko kung puso ko ang papairalin ko. Hindi ko kayang saktan si Paulo, lalo na't ako naman ang nag-udyok sa kanya sa ganitong set-up namin.
![Unwanted Romance [COMPLETED] #Wattys2019](https://img.wattpad.com/cover/145462348-64-k618374.jpg)