55. Secret

648 21 9
                                    

Killian Giovani's Point of view

"Seryoso ka ba d'yan, tol?" tanong ni Rex sa akin ng sabihin ko ang plano ko. Nag-uusap kami ngayon sa cellphone habang si Alessia ay mahimbing ng natutulog sa kama.

She snores a bit, and I find it cute. Napangiti ako sa naisip habang nakatingin sa natutulog niyang imahe.

"Sigurado na ako," ani ko.

"Kinonsulta mo na ba si Ms. Xam dito, dre? Baka naman magalit 'yon kapag bigla mo nalang-"

"I don't care anymore. Just do what I told you, please. And..." I paused. Gumalaw sa pagkakahiga si Alessia at napabaling sa akin. Niyakap niya ang bewang ko. Hindi ko na naman maiwasang hindi kiligin, pero hindi ko pinapahalata, syempre.

"And?"

"Don't tell anyone."

"Kahit sa tropa?"

"Kahit sa tropa."

Natahimik ang kabilang linya at tanging buntong hininga lang niya ang naririnig ko. Alam kong hindi madali ang pinapagawa ko sa kanya, pero sa puntong ito ay siya lang ang naisip kong makakatulong sa akin.

Kahit si Drago ay hindi ko kayang pagkatiwalaan sa bagay na ito. Lalo na't kasama si Alessia sa usapang ito, hindi ako pwedeng magkamali. Gusto kong maging malinis ang lahat bago ko isagawa ang plano.

"Dre, huli na 'to. Sigurado ka na ba talaga?"

"Hindi ba kita maaasahan?"

"Dre, hindi sa ganon..."

"Gawin mo nalang." Agad kong binaba ang tawag at tinapos ang pag-uusap naming dalawa.

Iniwan ko si Alessia sa higaan niya at nagpunta sa maliit na kusina, nagtimpla ng kape para ikalma ang isip na buhol buhol na impormasyon na ang pumapasok.

Lumabas ako ng tree house at nakita ang nag-aagaw na dilim at liwanag sa kapaligiran. The sun is about to rise as the dim light coalesce the surrounding, laying every darkness ahead with a colorful scene of the city lights down to the society. I'm still awake since last night, gusto ko siyang titigan lang.

Nakaramdam ako ng panlalamig. Ngayon, saksi ako sa pag-aagawan ng liwanag at kadiliman kasabay ng pagwagayway nang nagwagi. Kahit gusto kong maghari ang dilim upang hindi matapos ang araw na ito, para iwasan ang takot na kahaharapin ko. Sa huli, nagwagi ang liwanag, kitang-kita ko ang pagbalahaw ng ilaw, hindi naman masakit sa mata, masarap at kalmado pa.

Bumaba ako at sinalubong ang kakaibang lamig mula sa patag na lupa, nilakbay ko ang patungo sa duyan, katapat at kita ang magandang tanawing nagustugan sa lugar na tinutuluyan. Nang makaupo ako doon agad na sumikdo ang alaalang naiwan, noong unang dinala ko rito si Alessia. Nakatulog siya noon habang umiinom kaming dalawa, hindi ko na maalala ang naging problema at dahilan. Ngunit tanda ko ang kagandahang taglay niya habang pinagmamasdan ang kagandahan ng ilaw sa ibaba, makinang at makulay, masarap sa mata. Hindi lang iyon, pati imahe ng pagtulog niya ay nakaukit pa rin sa isipan ko. Para itong tattoo na natatak na sa isipan ko, kahit ata mabagok ako at makalimot, siya lamang ang kayang alalahanin ng puso't isipan ko.

Napangiti ako sa naisip. Hindi ko inaasahang ganito kalalim ang magiging ukit niya sa akin, parang ang hirap makabangon. Pero masarap namang magpakalunod, lalo na kung sa kanya ako magpapaanod.

Uminom ako sa kapeng hawak, kinalahati ko iyon at agad na naramdaman ang pagkabuhay ng dugo ko. Matapang ang kape, kaya kang buhayin ng isang araw at walang tulugan. Kasabay ng init ng kape sa aking lalamunan ay ang paghaplos ng mainit na kamay sa aking balikat.

Unwanted Romance [COMPLETED] #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon