15. Contract

1K 44 1
                                    

Killian Giovani's Point of view

Nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko ay lumabas ako mula sa itim na kurtina. Nanatili akong walang emosyon habang nakatingin sa mga reporter at kung sino pang naroroon.

Bakit ba ako pumayag sa kasunduang ito? I hate publicity, damn!

Alessia is there standing beautifully with a gray black lady boss pantsuit and a over sized blazer swallowing her woman's figure. Napatigil pa ako ng bahagya ng lingunin nya ako gamit ang matatamis nyang ngiti, ngunit unti-unti ding nawala ng makita ako.

She looked away.

Naramdaman ko nalang na lumapit sa akin ang isa sa mga director ng Big Entertainment at agad na binati ako. "Nice to finally meet you, Mr. Cuevas!" Bineso beso pa ako nito, nanatili naman akong walang pakelam sa atensyong ibinibigay sa akin.

Tumingin ako kay Alessia. She's smilling infront of those reporters and publishers. "I'll go there," sabi ko sa babaeng direktor na nasa harap ko.

She awkwardly smiled and nodded. Walang pag-aalinlangan akong naglakad papunta kay Alessia. Nang makarating ako doon ay agad kong ipinulupot ang braso ko sa bewang nya.

Napaigtad sya gulat. Naramdaman ko ang matatalim na tingin nya sa akin. "Alisin mo yang kamay mo, Killian..."

Napangisi ako. Nang tignan ko sya ay mas lalong lumalim ang pagkunot ng noo nito. I leaned on her. "Boyfriend mo 'ko,"

"Break na tayo kagabi di ba?" Iniiwas nya ang tingin sakin at muling naggawad ng ngiti sa mga tao.

Natawa ako sa ginawa nya. This is showbiz all about, huh? Pagpapanggap? Pagngiti para hindi masabihang walang pakelam? Paggawa ng mga bagay na hindi mo gusto?

This is really not me. Kabaliktaran.

"Ngumingiti ka ba talaga?" Tanong ko. Natigilan sya at nilingon ako, sarkastikong nakangiti.

"Mukha bang hinde?"

"Hindi." Sagot ko sa kanya. "Nagpapanggap kang nice, para maraming humanga?" Nawala ang ngiti sa labi nito.

"Ano bang pakelam mo?" Iritadong anito. Nginisian ko lang ang bawat reaksyon at sinasabi nya. Ako 'to e, bakit kailangan kong magpanggap ng kung ano-ano, do whatever you want. Just like that.

"Gawin mo kung anong gusto mo, mamahalin ka nila hindi dahil sa ngiti mo..." I explained. Ngunit parang hindi naman nito naintindihan.

"Wag mo 'kong pakelaman, Killian."

"Mamahalin ka nila dahil ikaw yan," Dagdag ko. We stared each other for a seconds. She looked away, I stay stilled. "Stop covering what you really feel by giving them your smile."Nang sabihin ko yon ay nagsalita ang emcee na kailangan na naming umupo para sa contract signing, but i stay still. "Alessia,"

"Umupo ka na." Pinanlakihan nya ako ng mata ng makitang nakatayo parin ako. Tumingin sya sa paligid at nakita ang nagtatakang mukha ng mga tao. "Sit down, Killian." She demand.

"I don't want," at kapag sinabi kong ayoko, ayoko. Ganon lang yon.

"Inaatake ka na naman ba ng kabastusan mo Killian? Please, wag dito."

Nginisian ko sya at tumingin sa paligid. Lahat ng camera ay nakatutok, parang hindi pwedeng magkamali. I cleared my throat, "Simulan nalang natin 'to, wag nyo nalang ako-" hinigit ako paupo ni Alessia at ginawaran ako ng masamang tingin.

"Ano bang ginagawa mo, Killian?!"

"I just want to show how it-"

"Stop it! You're making a scene," Nangigigil na sabi nito sa akin gamit ang matatalim nyang mata. Humarap sya sa mga bosses at humingi ng paumanhin, "Sorry about what happened... hindi lang maganda ang gising nya." Pagdadahilan nya.

Unwanted Romance [COMPLETED] #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon