40. Against

613 23 12
                                    

Alessia Xamalia's Point of view

Tahimik ako. Nanatili lamang akong tahimik habang nakikinig sa masayang pag-uusap ng mag-lola. Si Platon ay nasa tabi ko habang naglalaro sa tablet niya.

Marahan akong napa-buntong hininga. Agad namang bumaling sa akin si Paulo, "Okay ka lang ba?" Tanong niya.

Hindi ako okay! Umalis na tayo, Paulo!

Marahan akong tumango. "Oo naman. Okay lang ako, Paulo." Napakapeke. Paano ba naman… nakakatakot ang lola niya, kung makatingin sa akin ay para akong nakapatay ng tao. Hindi ko naman kasalanan kung gusto ako ng apo niya at ayaw niya sa akin.

Kita ko sa mata nito ang pagtutol, ngumiti lang ako. "Are you sure?" Paninigurado pa nito, ngunit ng malota ko ang nanlilisik na mata ng lola niya ay parang gusto ko nalang ignorahin ang tanong niya.

"Nako, apo… maari naman kayong mamahinga dito kung pagod, 'di ba?" Hinawakan nito ang braso ni Paulo. "Apo, ngayon ka nalang ulit bumisita sa akin… pagbigyan mo na ang lola na dumito ka kahit ngayong gabi lang." Ano? No way! Hindi ko na talaga kayang makasama pa ang lola niya, tapos gusto niyang dumito kami? O si Paulo lang?

Sasabat na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang nakaputing t-shirt na lalaki. Gwapo at medyo moreno, singkit ito.

"May naghahanap sa labas…" Ani ng lalaki bago ito tuluyang pumasok sa silid na malapit sa living room. Sino kaya 'yon? Hindi naman mukhang trabahador or helper.

"H'wag mo ng pansinin si Peter, apo… hindi lang no'n inaasahan na narito ka." Peter? So, kapatid siya ni Paulo? Obviously, Xamalia. Tss.

Tumayo na si Paulo, napasunod ang tingin ko sa kanya. Saan siya pupunta? Naglalakad na ito palabas ng bahay. Tatayo na rin ba ako? Imbes na sundan siya ay nanatili ako sa upuan ko.

"Where are you going, apo?" Takhang tanong ni lola. Tuluyan na ngang nakalabas si Paulo. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko, nasa harapan ko ang lola niya… kami lang dalawa dahil wala namang kibo sa gilid ko si Platon.

Agad din namang pumasok sa loob si Paulo. Hindi lang iyon. Nagulat ako ng sunod na pumasok si Killian pati na din ang mga barkada niya.

"Hi, Xam!" Bati sa akin ni Fausto. Nginitian ko lang siya. Muli kong ibinalik ang tingin kay Killian, he's wearing a black cap and a black shirt. He looks cute having his shade on, para kasing pang-detective ang suot niyang shades. Napangiti ako.

"Who are they, Paulo?" Tanong ng lola ni Paulo.

Nagulat ako marahang lumapit si Killian at inilahad ang kamay sa lola ni Paulo. "I'm Kane Cuevas, madam." Elegante ang pagpapakilala niya, kita ko ang ngiting sumilay sa labi ng matanda.

"Oh, what a beautiful name, hijo…" Kinuha nito ang kamay ni Killian at nag-shake hands sila. "Kaibigan ka ba ng apo kong si Paulo?" Patay. Um-oo ka nalang sana, Killian. Pero sa pagkakakilala ko sa kanya ay wala naman itong pakialam sa sasabihin ng iba, hindi niya alam ang salitang makiramdam.

Umiling si Killian. Sabi na nga ba e. "No, mam. Actually, we're almost enemies of each other's existence." Tumingin sa akin si Killian. Maglahiwalay na ang kamay ng lola ni Paulo at ang kaniya. "Please to meet you, madam. But…" His eyes remained on me.

"You can't do whatever you want, Cuevas! Leave!" Dumagundong ang boses ni Paulo sa loob ng bahay na ito. Lagi nalang ba silang mag-aaway kapag nagkakasama sila?

"Can I bring her home now, madam? Maligalig ang mga anak namin sa bahay, they needed a mother to feed them." Nanlaki ang mata ko sa narinig mula kay Killian. Ano daw? Kakaiba talaga ang isip ng lalaking ito. Ngumisi lang siya sa akin habang ako ay halo-halo ang emosyong nararamdaman. Kung natutuwa ba ako dahil sa wakas ay makakaalis na ako dito, maiinis dahil napaka-insensitive niya o kikiligin dahil sa mga pinagsasasabi niya.

Unwanted Romance [COMPLETED] #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon