Alessia Xamalia's Point of view
"Gusto kong ligawan ang anak n'yo." Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko? Si Killian ba talaga 'to o sinasapian lang siya ng kung anong elemento? Hindi mag-sink in sa utak ko, hindi— hindi lang talaga ako makapaniwala sa naririnig ko.
Mas nagulantang ako ng malakas na humalakhak si Dad. "Upo ka, hijo…" Anyaya ni Dad sa kanya. Magalang itong tumango at nagpasalamat. Naupo siya sa tabi ni Paulo at dahil kasama niya si Drago ay gumitna ito.
Bigla tuloy akong nag-worry kay Paulo. He looks uncomfortable.
"Naging magkatrabaho na kami ni Alessia, sir. Her first movie… ako ang leading man niya do'n—" Pagkukwento ni Killian ngunit agad na bumwelta si Paulo. Gusto kong ako ang pumagitna sa kanilang dalawa, ngunit naroon si Drago.
"But i'm her leading man right now, Kane Cuevas. So, will you back off and get out yourself here?" Kunot-noong ani Paulo. Platon is watching him this angry and Killian's smirk appeared. How about Paulo should go home right now, because Platon is obviously watching their fights?
"Why? Is this your house, Galvez?" Sarkastikong anito.
Napatayo ako sa kinauupuan at balak na sana silang pigilan ng sumagot muli si Paulo. And as I looked at my parents… I hate the way Dad watching them so entertained and seems nothing happened like a fight.
"You're obviously blocking me, Cuevas! And I hate the way you play your dirty tricks, not that I'm accusing you, huh." Paulo's bloodshot eyes bore into me. Gamit ang mata ko ay sinenyasan ko siya, ayaw kong makita ng kapatid niya ang ganitong bagay. "It's true, Xam, right?" He sounds so desperate. Umiling ako para pigilan siya ngunit iba 'ata ang naging dating sa kanya.
"Paulo, you're with your brother…" I explained.
"H'wag mo ng ipagtanggol—"
"She's stating what's right and you're jealous because she likes me more than you think she is to you?" Prangkang saad ni Killian. Kita ko ang talim ng mga tinginan nilang dalawa.
"Killian!" Saway ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot.
"She likes me too, Cuevas…" Bwelta naman ni Paulo. Nalipat sa kanya ang presensya ko. Nang balingan ko si Platon ay kitang kita ko ang pagtatanong sa mata nito.
"She likes me more,"
"She… likes you but I know that she eventually loves me like I do." Naglakad ako patungo sa kanilang dalawa, sa pagitan nila.
Hindi ko alam kung sino ang hihilahin ko sa kanilang dalawa paalis. Si Killian ba o si Paulo?
"You think she'll love you eventually?" Nang-aasar na anito. Sinamaan ko ng tingin si Killian ngunit gaya ng inaasahan ay hindi ako nito binalingan ng tingin.
I grabbed Paulo's arm. Inaya ko siyang umalis ngunit pati 'ata ito ay ayaw din na magpatalo. Nasa harapan sila ng mga magulang ko… ganito ang asal nila?
I grabbed him harder this time. Tinignan niya ako, nakasimangot. Matapos ko siyang pandilatan ng mata ay doon lamang siya kumibo para umalis. Sumama si Platon.
Nang makarating na kami sa garden namin ay doon ko lang siya binitawan at hinarap. Buti nalang at bukas ang ilaw ng pathway kaya may kaonti kaming ilaw para makita ang isa't isa.
"Paulo…" Panimula ko.
"Gusto mo ba s'ya?" Seryosong tanong niya. Sa lalim ng boses nito ay natatakot ako, parang gusto ko nalang umalis. Hindi ako sanay na ganito siya. Sanay ako na masaya siya. "Sabihin mo," he added.