Alessia Xamalia's Point of view
"Nand'yan na sila?" tanong ko kay Killian ng makitang sinaraduhan na niya ang pintuan.
"Yes." sagot niya.
Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako, ipinagpatuloy ang panonood ng cartoons. Tinitigan ko lang siya. Kung narito na ang mga magulang niya, bakit narito pa rin kami? Hindi ba kami lalabas para salubungin sila?
"Do you really want us to go? We can ditch the dinner, Alessia." aniya.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Bakit tinatanong niya ako ng ganito? Ayaw ba sa akin ng pamilya niya? Hindi ko maiwasang isipin iyon, isa rin iyon sa nakikita kong dahilan.
"Ayaw ba sa akin ng mga—"
"They'll like you for sure! Stop over thinking everything, please…" Bumuga siya ng hininga at inihilig ang ulo sa batok ko.
"Ikaw naman ang nagdala sa akin dito…"
"Yeah, I know. I'm sorry." Bakit siya nagso-sorry? Lahat na lang ng sasabihin niya parang iba ang dating sa akin. Kaya hindi ko maiwasang magtanong.
Nagpalamig lang siguro siya dahil ng muling kumatok ang kasambahay sa kwarto niya ay tumayo na kaming dalawa. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko, ayaw ng bitawan. Nang buksan niya ang pinto ay kasambahay nila ang bumungad.
"Pupunta na kami," aniya sa kasambahay.
Inilipat niya ang kamay ko sa kabilang kamay niya para alalayan akong bumaba sa hagdanan. He's holding my waist while watching our steps downstairs.
Hindi na ako nagulat nang makapunta kami sa dining area nila ay tanging kami na lang ang hinihintay. Drago is there. He smiled at me, cheering me up. My eyes darted to his family whose intently looking at me.
Tumayo ang isang lalaki at sinundan naman ng katabi nitong babae. Ma-edad na pero maganda't gwapo pa rin sila. Naglahad ang matandang lalaki ng kamay sa akin, tinanggap ko iyon.
"Good evening, hija. I'm Giovanni Cuevas, Kane's father." Oh! Agad akong nagpaskil ng ngiti sa labi.
"Good evening din po, tito. I'm Xamalia Merchantile po."
Ang matandang babae naman na katabi nito ang naglahad ng kamay sa akin. Nakangiti ito sa akin, mukha namang mabait ang mama ni Killian. Kinuha ko ang kamay niya at nag-shake hands kami. Bineso niya pa ako. "Oh! Nice to finally meet you, hija. I'm so happy that our Kane is really good right now, you know he's kinda playboy when he was at his age of exploring..." At tumawa ito na parang natutuwa sa kanyang anak. Tumawa na lang rin ako. "By the way, I'm Kristin Cuevas. I'm his mother, halata naman sa lahi, 'di ba?"
"Opo, tita. Halatang halata nga po dahil sa inyo po 'ata ni tito nagmana si Killian…"
Natigilan silang lahat, pati na rin ang mama ni Killian na tumatawa ay napangibit na lang.
"You're calling him that name, hija?" tanong ng mama ni Killian sa akin.
Tumango ako. "Yes po. Bakit po?"
Pilit itong ngumiti sa akin bago muling hinawakan ang kamay ko. "You must be really special for him for letting you calling him that way."
Hinawakan ni Killian ang bewang ko kaya napalingon ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya at may pag-aalinlangan. Iginiya niya ako sa upuan namin. Malayo sa mga magulang niya, malapit kay Drago.
"She's Alessia Xamalia Merchantile, my girlfriend." Pagpapakilala niya sa akin bago niya ako pinaupo sa upuan. Sobrang quick introduction lang iyon, talagang wala siyang pakialam sa nasa paligid niya. Ako naman ay tinignan silang lahat at nginitian. Gumanti naman sila ng ngiti maliban na nga lang sa babaeng katabi nina tita at ang lalaking katabi nito, kahawig ni Killian.
![](https://img.wattpad.com/cover/145462348-288-k928635.jpg)