Alessia Xamalia's Point of view
"Ang ingay dito, Killian…" ani ko sa kanya. Nandito kase kami ngayon sa Haven's Bar. Maingay at masakit sa mata ang mga ilaw na sumasayaw sa paligid.
Mapungay ang mga mata na tinignan nya ako, "Hmm?" Naamoy ko ang pinaghalong alak at mint sa bibig niya.
"Ang ingay at ang baho dito," ani ko. Tumango-tango lang sya at ibinalik ang atensyon sa mga kaibigan.
Kanina ay ipinakilala na nya ako sa iba pa nyang mga kaibigan. There is Sebastian, Jeycee, Leon at Bugoy. They are all looks so good-looking on their black outfit, actually, lahat ata ng nasa table na ito ay naka-black. Well, Killian is wearing a black round-neck paired up with his leather jacket. Darkness is all around.
At dahil naiinip at nauuhaw na rin ako, akmang kukuha ako ng beer sa mesa ng pigilan ako ni Killian. Ginawaran nya ako ng nakakamatay na tingin bago kinuha ang beer sa kamay ko at pinaltan ng pineapple juice. Napasimangot ako.
Inilapit ko ang labi ko sa tenga nya, "I can drink, Killian…" I whispered. "No worries." Kinuha ko sa kamay nya ang beer at ipinalit ang bigay nya sa aking pineapple juice.
Agad kong ininom iyon ng maramdaman ko ang masamang tingin nya sa akin. "Baka malasing ka," tinignan ko sya at pilit na nginitian.
"Hindi ako malalasing…"
"Hindi mo alam," kinuha nyang muli ang beer na iniinom ko.
I frowned. "Syempre alam ko! Katawan ko kaya 'to…" Akmang aagawin ko ang bote ng beer sa kanya ng ilayo nya 'yon sa akin at ibinigay sa kaibigan nya. "Killian…" I called him.
Binalingan nya ako gamit ang nakakunot nitong noo. "Don't drink," ani nya bago ibinalik ang presensya sa pag-inom ng rhum na hawak nya.
Bahagya ko syang kinurot sa tagiliran kaya napaigtad sya ng marahan. Sinamaan nya ako ng tingin, "E, anong gagawin ko dito? Uupo at titingin nalang sa pag-iinom mo?!" Mahinang sabi ko sa kanya ngunit sapat na yon para marinig nya ang sinabi ko kahit maingay sa lugar na ito.
"Alessia, listen—"
"Iuwi mo nalang ako, nakakabadtrip ka!" Ibinaling ko sa iba ang tingin ko. "Iuwi mo nalang ako!" Ramdam ko naman ang tingin nya sa akin at bawat segundo ay parang gusto kong matunaw sa titig nya. "Gusto ko ng umuwi…" ani ko.
He didn't respond. Matiim lang syang nakatingin sa akin.
"Killian, gusto ko ng umuwi." Muling sabi ko ng mapagtanto na malakas ang musika sa paligid at baka hindi nya narinig. And again, hindi sya nagsalita.
Tumayo ako sa inis at akmang tatayo ng pigilan nya ako. "Saan ka pupunta?" Tanong nya sa akin. Imbes na sagutin ko sya ay inirapan ko sya at pilit tinanggal ang kamay nya sa braso ko. "Saan ka ba kase pupunta?" Tumayo sya.
Nagulat ako dahil napakalapit naming dalawa sa isa't isa. Halos maglapat na ang mukha ko sa dibdib nya, naamoy ko tuloy ang bango nya. His manly scent…
Nang itaas ko ang tingin ko sa kanya, nakita kong nakatingin sya sa akin. Hindi ko magawang ialis ang paningin ko sa matiim na pagkakalapat ng labi nya sa isa't isa, ang madilim na tingin nito at ang bahagyang pagtiim ng bagang nya.
He looks so sexy and handsome, as usual.
I cleared my throat. I immediately looked away, "Sa girls comfort room lang naman ang punta ko, wag ka ng sumama."
"I insisted. Sasama ako—"
"What the—" Marahas akong napalingon sa kanya.
"sa labas lang." His malicious smirk appeared. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil hindi ko mapigilan na mamula sa naiisip ko.
![Unwanted Romance [COMPLETED] #Wattys2019](https://img.wattpad.com/cover/145462348-64-k618374.jpg)