Alessia Xamalia's Point of view
Dito na ako nagpalipas ng gabi sa condo ko. I texted Kuya Keegan and Kuya Xand for their approvals, they said 'yes'. Then, I called Manager to let her know what's happening after my magazine shoot. She said, It's okay. I sighed. They seemed occupied. First, my kuya's. They let me sleep here in my condo alone. Hindi man lang ako pinigilan. And Hannah... hindi man lang ako kausapin ng maayos. It's okay lang daw. Tsk. Nakakainis.
Buti nalang at dito natulog si Erin, ang P.A ko. Ngunit ng magising ako ay wala na ito sa kabilang kwarto ng katukin ko. Nagtext lang sya na kailangan nyang umalis dahil isinugod sa hospital ang ama. Bigla tuloy akong nakaramdam ng guilt. She even texted me a sorry. Bakit? Dahil hindi nya ako naipagluto.
I throw my book at my bed and go outside my room. Bigla akong nagutom. I go to Kitchen. I want to eat, but how can I eat? I don't even know how to cook a delicious food. Lagi nalang 'pede na'. Even cooking is too occupied. I frowned.
Ginalugad ko ang loob ng refrigerator and sadly, puro ice-cream at de lata lang ang naroon. I pout. But I'm so hungry!
"Dapat pala sa bahay na 'ko natulog... atleast don may breakfast! May latte pa!"
Nagtimpla nalang ako ng milk at nag-toast ng bread bago pumunta sa living room. I open the television. As I sat on my couch, familliar voice came into my ears.
Bumaling ako sa telebisyon at napatunayang ineere ang kahapong interview sa aming dalawa ni Killian. And now, It's seems like this is the part where Killian is trying to be nice as they talked to the reporters.
"Nais lang namin malaman ang inyong saloobin sa kumakalat na litrato ni Ms. Xam Merchant kasama ka, very viral na talaga 'to. Anong masasabi mo?" Tanong ng lalaking reporter habang nakatapat ang microphone kay Killian.
Kita ko ang bahagyang pagkamot ni Killian sa batok, ngunit ang mukha nito ay nanatiling blangko. "Okay lang. That's private vacation, btw. I invited her to come with me together with my friends." He said nicely. Hindi ito ngumingiti kahit todo ngiti ang mga babaeng reporter.
"Syempre, alam mo naman sa showbiz po..." tumawa pa ang lalaki. Nang tumingin sya kay Killian na seryosong nakatingin sa kanya ay natigilan sya sa pagtawa. "You said, you invited her? Is she allowed to go there alone with you?" Tanong muli ng lalaki.
Nag-igting ang panga ni Killian ngunit agad ding nawala. "She's not alone with me." Yun lang ang sagot nya.
Natatawa na ako sa mukha ng mga reporter dahil mukhang wala silang makuhang sagot.
Nakatutok lang sa kanya ang atensyon. "Well... pede ba naming malaman na bukod sa mga kaibigan mo ay may kasama kayo? Sino 'yon, Mr. Kane Cuevas?" Tanong ng isa pang lalaki na may hawak na recorder. Seryoso din ang mukha nito.
"That's private." Tipid na sagot nito.
"Okay, sir. We understand... But can we asked about you and Ms. Xam?" Tumango lang si Killian. "Paano, saan kayo nag-meet?"
He titled his head and malicious smirk entered. "Bar. We met on her kuya's birthday, my friend introduce her to me."
Kumunot ang noo ko. Bakit sa dinami-dami ng itatanong ay yun pa? Atsaka... bat hindi nalang sya nagsinungaling? We met in the bar? Ano nalang sasabihin ng mga tao.
I continue watching him.
"At the bar?" Ulit ng reporter.
"Yeah." He proudly said.
![Unwanted Romance [COMPLETED] #Wattys2019](https://img.wattpad.com/cover/145462348-64-k618374.jpg)