Alessia Xamalia's Point of view
Nakauwi na ako sa condo ko pero hindi parin natatanggal ang inis ko sa kanya, sa kamanyakan niya. I was laying on my bed while staring at the ceiling when my phone beeped. I immediately look on it, my anger boost when I saw his name. Killian.
"I'm sorry." Yun lang ang nakalagay sa mensahe niya ngunit wala itong epekto sa nararamdaman ko. Pinatay ko ang cellphone at hindi na sinagot pa ang mensahe niya.
Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang kamanyakan niya. Can't imagine that he can do that to me! I mean… we're friends, I trust him and this suddenly came, his actions became too liberating that I can't connect to him. Well, I'm not planning to connect with him that way. I rolled my eyes.
I was about to rest when I heard something weird outside. Agad na nag-panic ang utak ko, kung ano-ano na namang naiisip ko. Maybe, there's someone trying to snatch my things. Magnanakaw? I immediately went to the door and try to hear what's happening outside. May mga kaluskos akong naririnig, yabag ng paa at tunog ng plastik.
Kapag ganitong kabado ako ay lumalakas ang pandinig ko, even the other senses of me.
At kasama na roon ang utak ko, agad akong nakaisip ng paraan. Naalala kong binigyan nga pala ako ni Kuya Keegan noong matagal na ng pepper spray. Pumunta ako sa comfort room at agad ko naman ding nakita roon ag hinahanap, kinuha ko iyon at isinama ko na din ang nakitang maliit na kutsilyo nakita ko sa cabinet malapit sa first aid kit.
Lumabas ako ng comfort room at tumapat sa pintuan ng kwarto ko. Kita ko ang marahas na paggalaw ng door knob, nagpupumilit pumasok dito sa kwarto ko. Nag-sign of the cross ako.
Lord, guide me.
Nang buksan ko ang pinto ko ay agad kong itinutok ang kutsilyo sa kung sino mang tao iyon. Pikit ang mata kong iniispray ang pepper spray na nakatapat din sa kanya, ngunit agad niya iyong hinawi. Nagmulat ako ng mata.
Nagulat ako ng makita ko kung sinong lalaki ang nasa harapan ko, hawak hawak ang braso ko para pigilan ang pag-spray ko sa kanya ng pepper spray. Ngunit nanatili naman ang kutsilyong nakatapat sa kanya.
"Killian…" Nabitawan ko ang pepper spray. Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa mata ko, hindi parin hinahawi ang kutsilyong nakatutok sa kanya.
I slowly lower the knife and get a hold of my pepper spray.
"That's… how much you hate me, huh?" Kita ko ang pagtigas ng bagang niya, tila nagpipigil ng inis. He looked away. "Well, maybe I deserve that. I became so pervert towards you, a while ago." Bago pa ako makapagsalita ay inilabas na nito mula sa likuran niya ang bungkos ng bulaklak, a white tulips.
I breath, I suddenly forgot how to breath. He's offering me a flower, It's tulips and it's white. There's something about it. The pureness of his intention reflect on that white tulips he is giving me. I posture myself calmly.
Sinubukan kong huwag ngumiti, ngunit sumisilay ito. "Para naman saan 'to?" I arched my brow.
"Forgive me."
"And?" I don't get him.
Bumuntong hininga ito at kinuha ang kanan kong kamay, inilagay niya don ang bulaklak. Akala ko tapos na, pero nagulat ako ng bigla niyang kunin ang magkabila kong kamay at mabilis na isinara ang pinto at doon ay marahan niya akong ikinulong. His arms jailed me, it's like a metal cannot be unlock. "Just wanna tell you that I didn't meant all of that, all of the sudden action I make. I'm sorry for everything that makes you feel bad, that's my fault, I know. But Alessia, I swear to god that I'm not praised by that, I'm not the kind of guy you think."