" Ang Tatlong Sirena sa Aydendril "
Ang Nakaraan....
Humingi ng Basbas sina Lina, Rica at Sierra kay Bulan. Upang Saklolohan ang Kaharian ng Aydendril.
Samantala, nasa mundo na ng mga tao ang mga Tagalipon at itinakda upang gawin ang kanilang huling pagsubok.
At sina Jake at Ian ay umuwi sa kani-kanilang tahanan.---- Don't Forget to Vote mga mahal! ------
Sa Kaharian ng Aydendril....
Nang makarating sina Lina,Rica at Sierra sa Aydendril.. nagulat sila sa kanilang nakitang pagbabago.
" Ito na ba ang Aydendril ? Bat ibang iba ito nung unang pagpunta natin dito ? " Sabi ni Lina..
" Oo nga ang mga Puno at halaman.. namamatay sila.. " dagdag na Sabi ni Rica.
" Teka, wag kayong lumayo saakin. Kakaiba ang Katahimikan sa paligid. Kung nasakop na ito ng kapanalig ni Sitan malamang may mga ----- Ilag Rica!" Sabi ni Sierra naputol lang ng may pana na muntik ng tumama kay rica.
" Muntik nako dun! " -- Rica..
" Mag iingat kayo may mga mawal na nakabantay dito. " Sabi ni Sierra..
" Mabuti pa dumeretchu na tayu sa palasyo mga sisters!" Sabi ni Lina. Nang biglang inatake sila ng mga Kawal.
" Saan kayo pupunta mga Sirena ?" Sabi ng isang Kawal..
" Wala kang pakialam.. " sagot ni Rica. May nakitang maliit na batis si Sierra at agad syang Kumuha ng tubig mula doon at kinontrol nya gamit ang kanyang kamay.
" Ready sisters ? " Sabi ni Lina.
" Handa na... " Sagot nina Sierra at Rica.
Agad silang nakipaglaban sa mga kawal..
Samantala sa Kuta ni Sitan...
" Nakahanda kana ba Lula ? " Tanong ni Sitan.
" Oo kamahalan at alam ko na po ang gagawin ko... " Sagot ni Lula at agad nyang ginaya ang Anyo ni Arnel ang Tatay nina Tyler at Theo..
" Magaling!" - Sitan At tumawa si sitan ng Malakas..
Balik sa Aydendril...
Dahil sa pagkainis ni Rica ay napagpasyahan nyang gamitin ang kanyang Tinig..
At sumigaw sya ng napakalakas..." Haaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!" Sigaw ni Rica dahil sa lakas ng Tinig nya agad nanghina ang mga kawal at sa tulong nina Sierra at Lina mabilisan nilang Natalo ang mga kawal.
" Tayo na Wala na tayung Oras... " Sabi Ni Lina. Agad humawak sa balikat ang kanyang mga Kapatid. Kagaya ng mga diwata may kakayahan din silang maglaho o mag teleport.
Nang Marating nila ang Palasyo, Nakita nilang mas maraming kawal ang nakabantay sa Bulwagan.
" Naloko na Sierra mas madaming Kawal dito. Baka makita tayo. " Sabi ni Lina.
BINABASA MO ANG
THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS (BOOK 2)
SachbücherNagbago ang mga buhay nina Theo, Tyler, Jenna, Catalina, Ian at Jake dahil sa Labing dalawang oroskopyo. Misyon nilang pigilan ang diyos ng pagkawasak at kaguluhan na si Sitan sa pagbukas ng portales ng impyerno, upang makalaya ang kanyang mga kasa...