CHAPTER 20

581 25 6
                                    

 " Ang tunay na Pagsasanay Part 1" 

Previously....

Nagkakilala na ang mga taga lipon at mga itinakdang engkanto. samantala may babalik mula sa Hukay... ABANGAN kung sino, Habang sina SITAN naman ay naka handa na ang kanyang mga bagong alagad. 



" Nandito na ba ang lahat? " sigaw ni Magayon. habang si Mia ay malayo pa mula sa kinatatayuan ng mga kasama nya.

" Bilisan mo ate mia" sigaw ni raven.

"Oo na andito na, my god bakit ang sobrang init dito." Reklamo ni Mia.

"Bago mag simula ang ating Pagsasanay, nais kung isuot nyo to, bilang proteksyon sa mga masamang elemento sa paligid. " sabi ni Makiling habang may hawak-hawak syang isang kwentas. at isa isa nya itong ibinigay sa mga tagaLipon at mga itinakdang Engkanto.

"Maraming salamat, mahal na diwata.. " sabi ni Jenna.

"Walang anuman, tila gumaganda ka ata ngayon?" sabi ni Makiling sakanya.

" Salamt mahal na diwata, kamusta na ang aming anak ?" tanong ni Katalina.

" Ayus lang ang inyung anak, sa katunayan ang pinunong bulan ang naka bantay ngayon sa kanya. " sabi ni Makiling sabay kindat.

"Nako mahal na diwata baka di kayanin ng pinuno ang kulit ng aming anak ?" sabi ni Theo.

"Hayaan muna, kayang-kaya nya yun.. " sabi ni Makiling.

>>>>>>>> Sa Loob ng KANLAON..

Umalingaw-ngaw ang ingay ng sanggol sa loob ng silid.

"Ano ba yan bae bulan bakit mo pinapaiyak ang sanggol.." sabi ni Haliya.

"kanina pa to umiiyak di ko mawari kung anong gagawin ko haliya.." sabi ni Bulan habang sinasayaw-sayaw nya ito.

" Akin na nga yang apo ni Lakambini.. " sabi ni Haliya at tinitigan ang bata sa mata.

" kay gandang bata, tunay nga na malakas ang dugo nating mga diwata.. " sabi ni Haliya.

"Hindi rin pangkaraniwang ang ama at ina nila. Isang anak ni Lakambini at Prinsensa ng mga mayunan. Tunay na pakalakas ng batang ito."sabi ni Bulan.

" Tama ka dyan bae, ngunit bakit umiiyak pa din ang batang to. baka nagugutom na sya.. " sabi ni Haliya.

"Sandali lamang dahil may ipapainom ako sakanya ito yung pinapainom sakin ni bathala dati. " sabi ni Bulan.

"Sge, "sagot ni Haliya ng maramdaman nyang may mainit na likido ang dumampi sa kanyang balat.

" Nako, Haliya inihian ka ng bata. hahaha. " sabi ni Bulan.

At nagtawanan ang dalawang magkapatid na Diwata.

<<<<<<<<<<< BALIK sa pagsasanay nila..

" Ang una nyong pagsasanay, ay matatagan ng Lakas ng ISIP. " sabi ni Diwatang si Gassia.

" Anong gagawin namin dyan sa mga nakalutang na malalaking troso?" tanong ni Tyler.

" Yan nga ang una nyong pagsubok diba? binge? binge? di marinig ?" sabi ni Gassia. at nagsitawanan ang lahat sa pagbibiro ni Gassia.

" nagtatanong lang naman.. " sagot ni Tyler.

" Kelangan nyong maputol ang mga troso, at bawat troso ay may kasamang parusa. " salaysay ni Gassia.

" Anong parusa ba yan diwatang gassia?" tanong ni theo.

" Kayo talagang magkapatid kayo, di nalang nakikinig kasi puro tanong, kukurutin ko yang mga singit nyo mga bata kayo. MAKINIG!! " Sabi ni Gassia.

" Inuulit ko ang mga trosong nakalutang na yan ay mag lamang supresa, at malalaman nyo kung anong laman ng mga trosong ito. sinong gusto mauna ? " sabi ni Gassia.

" Ako! " taas kamay ng binatang si Raven.

" Well, kung may representative na sila, Pwes ako! " Taas kamay ni Jenna.

" Matanda kana Jenna, tapos lalabanan mo bata pa !" sabi ni Ian.

" Wag kang epal, baliw ka isa pa mag ka edad lang naman tayu. 22 years old pa naman ako.! " sagot ni Jenna.

" ganun so magchichismisan nalang ba tayo dito ?" sigaw ni Gassia.

" Sandali ikaw din gassia kahit kelan epal ka sa moment ko! " sigaw din ni Jenna , at nag tawanan ulit nag kanilang mga kasamahan.

" Pumwesto kayo, sa Gitna.." Utos ni Gassia. At nang makapwesto na silang dalawa.

" Sandali, before that may tanong ako sayo raven, ok lang ba ?" sabi ni Gassia.

"Si-sige po, " sagot ni Raven. Sabay titig kay Tyler na kinakausap si Katalina. SAMANTALA nakita ni Jake ang patitig ni raven kay tyler.

" Raven isang tanong, isang sagot! Taken or SINGLE! " tanong ni gassia.

" Single po! " sagot ni RAVEN, at nagulat nalang sina MIA, CHERRY AT ALPIA sa kanyang sagot. dahil sa pagkakaalam nila sila pa ni KEVIN.

" Ano bang pinagsasabi mo raven, may kasintahan kana uy!" sabi ni Cherry.

BALIK sa harapan, tinanong ulit ni Gassia si Raven.

" May mga single kami dito, Si Tyler, si jake, Si IAN. AT si Lola Jenna.. sino ang bibigyan mo ng bulaklak na ito.. " sabi ni Gassia sabay abot kay raven ng bulaklak. AGad nag lakad ang binata patungo sa kinatatayuan ni Tyler. at inabot nya ito kay TYLER. habang si Jake naman ay namumula na sa galit.

"Sa-salamat rav, " sabi ni Tyler. habang kinukurot siya ni KATALINA.

samantala lumapit naman si Theo kay Jake.

" Di hamak na mas pogi ka naman sakanya jake.. diskartehan muna ulit si UTol hina mo kasi. " sabi ni Theo.



Okay there you have it guys, thanks for keep reading dont forget to vote. THANKS. 

THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon