CHAPTER 60

283 24 0
                                    

  " Pagsamba sa Kadiliman P2 "

Previously...
Nang makarating sina Mang Gaspar, Tyler, Mia at Alpia kasama na rin nila ang anak ni Mang Gaspar na si Helena. Nakita nilang nakahandusay ang kanilang mga kaibigan sa sahig. Inakala nilang sinalakay sila ng mga alagad ni sitan. Yun Pala ay pinatulog sila ng Batibat. Habang si Raven naman ay nagulat din sa kanyang nakita pagkauwi nya sa unit ni Ian Ay ganoong eksena ang kanyang nakita. Samantala, Inutusan si Raven ni Ian na sundan ang mga kakaibang mga tao na sumasamba na kay sitan.
I know madami kayong tanong.. Alright Ito na ang karugtung. Enjoy mga mahal..

Right now....

  " Mang Gaspar mag tatagumpay kaya sila?" Tanong ni Raven sa matanda.

" Magtiwala ka Iho.. malakas ang mga kaibigan mo. Tiyak akong mananalo sila.!" Sabi ni Mang Gaspar. Habang si Alpia naman ay binigyan ng pagkain si Helena.

" Helena.. alam kung gutom kana Iha.. ito kumain na muna kayo. " Sabi ni Alpia sabay abot sa mag ama sa pagkain. Ngunit tinanggihan ito ni Mang Gaspar.

" Maitanong ko lang po Mang Gaspar. Alam ko po may issue talaga ang tao at Engkanto. Since the beginning of the time pa talaga. Lilinawin ko lang po. Ang pagkain na aking inihanda ay Hindi galing sa aming mundo sainyong mundo ito. Di ko nilagyan ng anumang Uri ng Salamangka ang pagkaing ito. " Sabi ni Alpia.

" Pagpasensyahan muna si Tatay Ate.. Kasi Kinuha kasi ng mga kauri nyong Engkanto si Ate Delia ko dati. " Sabi ni Helena.

" Oo Mang Gaspar, inaamin ko! Laganap ang pandudukot ng mga kalahi namin sa Inyong mundo. Ngunit Katulad ninyong mga tao  may mga Engkanto ding mabubuti. Hayaan nyo po susubukan kung hanapin ang inyong anak sa aming mundo ng Sandaling makabalik nako doon." Sabi ni Alpia at inilapag nya ang pagkain sa Mesa.

" Tatay, Di naman bad si ate.. Isa pa isa sya sa mga Sugo ni Papa God diba ?" Sabi ni Helena.

" Pagpasensyahan muna ako Iha. Di ko lang matanggap na nawawala pa rin ang aking anak hanggang ngayon. " Sabi ng matanda sabay yuko.

" Mang Gaspar... Katulad nyo ay Di kami sang-ayon sa pandudukot ng mga kalahi namin. Kami ni Alpia, Kalahating Tao at Engkanto po kami.." Dagdag na Sabi Raven.

" Tatay... Tahan na po. Maraming Salamat po sa pagkain ate. " Sabi ni Helena at Agad syang kumuha ng pagkain na inihanda ni Alpia sakanila nang biglang umungol si Jenna tila ba nasasaktan ito.

" UHHHHH !! "

" Mang Gaspar anong nangyayari? " Sabi ni Alpia at Inaalog-alog nya si Jenna. Pilit nya itong ginigising.

" Naging masama na ang panaginip ni Jenna.. kelangan nila Tyler at Mia na magising si Jenna. " Sabi ni Mang Gaspar habang pailing-iling ang Ulo ni Jenna.

THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon