" ANG SULER "
....
TEAM LALAHON 🌋🔥Ito na ulit ang Karugtung mga mahal..
Di ako magsasawang magpasalamat sainyo ng Bongels. Lol! Anyhow wag kalimutang bomoto at mag iwan ng komento sa Ibaba.
Salamat mga mahal.PREVIOUSLY..
Katulad nina Gassia, Jake at Tyler.. Napagtagumpayan din nina Dalikmata at Charlie ang pagkuha sa Jujin. At nalaman din ni Charlie ang pagtingin ni Dalikmata sa isang Mortal. Samantala katulad nang iba ay nagsimula na ding maghanap sina Katalina at Jenna kasama ang diwatang si Lalahon.RIGHT NOW...
Sa isang maulan na Kagubatan naman sina Lalahon, Jenna at Katalina itinuro nang Mapa.
" Jusko, ano ba yan... May bagyo ba? Bakit ke Lakas ng Ulan..." Sabi ni Jenna.
" Nasa Rain Forest tayo.. Di mo akalain yun meron pa pala sa Pilipinas ang ganun?" Dagdag na sabi ni Katalina habang patuloy padin nilang sinusundan ang dereksyon na itinituro nang Mapa nang biglang pinahinto sila ni Lalahon.
" Huminto kayo.. nandito ang alagad ni Sitan..." Sambit ni Lalahon sakanila.
Kukunin na sana ni Jenna ang kanyang Adjil na nasa anyong ipit sa buhok nang mga oras na iyon pero pinigilan sya ni Lalahon.
" Hanggat maari wag kayong gagawa ng hakbang na ikakapahamak natin. Wag mo munang gamitin ang Adjil pakiusap." Sabi ni Lalahon sakanya at sumunod naman si Jenna sa utos ng diwata.
" Kalikasan kami ay Iyong tulungan, Ikubli mo kami sa Iyong kagandahan..." Engkantasyon ni Lalahon habang kinakausap ang mga Halaman sa Paligid. At isa isang nagsitaasan ang mga Damo sa paligid pati na ang mga puno ay mas Kumapal pa ang mga dahol nito.
" Dito Di na tayo makikita ng alagad ni Sitan... " Sabi ni Lalahon. Tumahimik lang ang dalawang kasama ni Lalahon Tanda nang Pag sang ayon nila sa plano ng Diwata.
Habang sa Di kalayuan ay may isang malaking Ibon ang Lumilipad Lipad para bang may hinahanap ito. At tanaw ito nilang tatlo habang nagtatago." Kilala ko ang nilalang na yan.. Kung Hindi ako nagkakamali. Yan si Miguel!" Sabi ni Jenna.
" Tama ka insan.. ibigsabihin nyan. Hinahanap din nya ang Suler? Hindi pupwede yan kelangan nating maunahan si Miguel.." Sabi ni Katalina.
" Wag kayong mag aalala.. mukhang Di pa nya nahahanap ang Suler. Antayin na muna natin syang mawala. Di mag tatagal ay Di na sya makakalipad. Tingnan nyo ang pakpak nya basang basa na. " Sabi ni Lalahon.
" Mahal na diwata Tanong ko lang, anong ibig sabihin ng mga markang ito?" Tanong ni Jenna Sabay Turo sa nag iisang marka na nasa mapa.
" Yan ang Marka nang isang Tribo dito pilipinas. At kung Hindi ako nagkakamali nasa Lugar na yan nakatago ang Suler. " Sagot ni Lalahon.
" Ang mabuti pa sundan natin si Miguel.." Sabi ni Katalina.
" Hindi pwde... Dito tayo!" Sabi ni Lalahon at agad naman silang Naglakad papalayo sa Dereksyon kung saan naroon si Miguel.
Di nag tagal ay Di na maipagaspas ni Miguel ang kanyang mga pakpak dahil sa sobrang basa.
" Nalintekan na... Ilang araw na akong naghahanap sa mga Sandata at ni isa di pa ako nakakakuha. " Sabi ni Miguel at nagpalit anyo bilang isang Tao.
BINABASA MO ANG
THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS (BOOK 2)
Non-FictionNagbago ang mga buhay nina Theo, Tyler, Jenna, Catalina, Ian at Jake dahil sa Labing dalawang oroskopyo. Misyon nilang pigilan ang diyos ng pagkawasak at kaguluhan na si Sitan sa pagbukas ng portales ng impyerno, upang makalaya ang kanyang mga kasa...