CHAPTER 94

258 17 0
                                    

  "  ANG DIGMAAN " 

ANG NAKARAAN..

Nagsimula nang manghasik ng lagim ang mga tauhan ni Sitan sa Tatlong mundo. Samantala di parin nagigising si Jessel, Buhat nang pagsugod at pagbawi nya sa Libro ni Jenna.

ANG KARUGTUNG..

SA AYDENDRIL..

" Heneral Jenleff, Harangan nyo nang mga tauhan nyo ang Lagusan patungong Oceana, at Dalaket. Di maaring magkapunta ang mga kalaban sa karatig kaharian. " utos ni Olivia sout ang kanyang baluting pangdigma.

" Masusunod mahal na reyna, pero nasaan ang inyong tapat na Alagad na si Susmihta?" Tanong ng Heneral.

" Nasa Dalaket sya ngayon upang tulungan si Ofelia. "Sagot ni Olivia at pina alog nya ang Lupa na kinatatayuan nang mga Itim na kawal ni Sitan. at bigla namang sumulpot sa likuran nya si Gassia.

" Kelangan mo ba nang back up Sissy??" Sabi ni Gassia.

" Mahal na Diwata.. mabuti't nandito na kayo.. Papano sina Tyler ?" Pag aalalang sabi ni Olivia.

" Kelangan nating talunin ang mga Dirty sa kaharian mo upang matulungan natin sila.." Sagot ni Gassia.

" Kung gayon, Sa likud ka !" sabi ni olivia habang napapalibutan silang nang mga kalaban.

" pagsusugod sila.. Alam mo nang gagawin mo.!" Sabi ni Gassia.

" oo mahal na diwata." Sagot ni Olivia. Ilang sandali pa nang sumugod na ang mga kalaban patungo sa kanila, agad pinadyak ni Olivia ang kanyang paa, at Lumindol ulit nang napakalakas, habang si Gassia naman ay pinalabas ang mga malalaking Ugat na nang galing sa ilalim nang Lupa. at isa-isang nagapos ang mga kalaban.

Samantala sa Kanlaon..

" Nagsimula na ang Digmaan, Naway magapi nila ang mga kaaway!" sabi ni Makiling Habang nakatingin sa Mahiwagang Bukal kung saan lahat nang mga nangyayari ay nakikita nila doon.

" Nasa Aydendril na si Gassia, at kasalukuyang tinutulungan si Olivia. tayo ano ang maitutulung natin?" Tanong ni Magayon.

" ikaw pala magayon kanina ka ba nariyan?" tanong ni Makiling kay magayon at biglang Sumagot si Bulan sa kanilang usapan.

" wala na muna tayong gagawin.. Mananatili muna ang isa sa inyo dito sa Kanlaon, hanggat hindi pa oras." Sabi ni Bulan.

Habang sa Dalaket naman...

" Sa lagusan, mag madali kayo!" Sigaw ni Susmihta, kina Raven, Mia at Alpia. at agad namang nag palit anyo ang tatlo. Si raven naging isang malaking maitim na ibon, Si mia naging isang bola ng kidlat. at si Alpia naman ay naging isang Paru-paro.

" Susmihta, Linisin mo ang dadaanan nila.." Sigaw ni Ofelia habang nakikipag laban sa mga maiitim na kawal.

"Opo..." Sagot ni Susmihta, at Inutusan nyang muli ang mga dahon upang paslangin ang mga kaaway.

Nang makalabas na sina, Raven, Alpia at Mia sa Lagusan agad silang Tinulungan nang mga Kalalakihang may dalang Baril.

" Nandito na ang mga sugo. Protektahan sila!" Sigaw nang isang Lalaki na may dalang baril.

" Opo kumander, " sagot nang isang lalaki na may dalag baril.

" Paslangin ang mga Bandido, wag hayang matamaan ang mga sugo." sigaw nang isa pang lalaki.

At dahil doon, matagumpay na nakapunta silang tatlo sa kinaroroonan nina tyler at Theo.

" Nandito na sina, Alpia... Ian, lagyan nang harang sila..!" Utos ni Theo.

THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon