CHAPTER 52

294 15 1
                                    

                                      " Ang Pagbabalik ng mga Alala at Buhay P1"


PREVIOUSLY.....

Narating na nina Jenna, Katalina at Jake ang Kuta nina Sitan. At sa tulong ng Kalag ni Nonoy, Kapatid ni Jessel. Hinanap ni nonoy sa loob ng kuta kung saan ibinilanggo sina Theo at tyler. Samantala, Kagimbal-gimbal ang nasaksihan nina Susmihta,Raven at Jessel sa mundo ng mga tao. Maraming ari-arian ang nasira dahil sa malakas na bagyo.



Right now....

" Nasaan na ba kasi si Ian..?" Tanong ni Raven, habang wala silang makita sa kanilang paligid dahil sa sobrang lakas ng hangin.

" Mahabaging Bathala.. ang laki ng tubig baha.." Sabi ni Jessel.

" Sandali, mag iingat kayo sa mga limilipad na mga malalaking sanga ng puno. at pati na yero.." Paalala ni Susmihta. At di nga nagkamali si susmihta sakanyang tinuran, dahil may malaking sanga ng puno ang tatama kay Raven.

" ILAG!!! ravennnnn!!! " Sigaw ni Jessel ng biglang may bumalot na isang harang na gawa ng Yelo.

" Nandito na si Ian.." Sabi ni raven. at sa di kalayuan ay may dalawang lalaki ang papatungo sa kanilang kinalalagyan.

"Kilala mo ba ang lalaking kasama ni Ian?" tanong ni Jessel.

" Hindi... baka kapatid nya?" Hulang sabi ni Raven.

" Baka nga..." Dagdag na sabi ni Susmihta.

" Pasensya na kung natagalan kami.. " sabi ni Ian at agad syang gumawa ng Yelong harang sa paligid ng kanilang kinatatayuan.

" Si-sino sya ?" tanong ni Raven.

" Punong Kumpesor sya ang sinasabi ko sainyo na ginamitan ni Reyna Olivia ng Bulaklak ng narciso. " Sabi ni Ian. at tinitigan naman ito ni Susmihta ang mga mata ng kasama ni Ian.

" Papano nangyari yun? kamangha-mangha.. Nakabalik sya sakanyang katawan. " Sabi ni Susmihta.

" teka-Teka naguguluhan ako.. anong nangyayari?" Tanong ni Jessel. Agad namang nilapitan ni Susmihta ang kasama ni Ian.

" Maari ko bang hawakan ang mga kamay mo?" Sabi ni Susmihta at agad namang inaabot ni Charlie ang kamay nya kay susmihta.

FLASH BACK <<<<<<

" Nakikiramay kami sayo Ian.." Sabi ng Magkapatid sa Sirena na sina Sierra, at Lina. At ilang sandali pa ay Dumating si Olivia dala-dala ang mga bulaklak na pinitas nya sa kanyang hardin. Ngunit Naabutan ni Olivia na nagkakagulo ang lahat ng tao na nandoon. at di naman tumagal ang kaguluhang yun. Binuksan ni Jenna at kabaong ni charlie at inilagay ni Olivia ang mga bulaklak.

"Kay gaganda naman ng mga halaman mong dala Olivia.." Sabi ni Jenna.

" Tanim ito ni Ina.. nawa'y maging mapayapa ang paglalakbay ng kalag mo Charlie, isa kang bayani.. " Sabi ni Olivia sabay lagay ng bulaklak ng Narciso sa dibdib ni Charlie.

Hanggang sa Kinabukasan.. Inilibing si Charlie, at di nila alam sa sout na barong ni Charlie ay may naiwan isang hibla ng buhok at sumabit ito sa mga dahon ng bulaklak. hanggang sa kinagabihan ay umulan ng napakalakas at nabasa ang bulaklak ng tubig. at doon na pinamalas ng bulaklak ng narciso ang pagiging mahiwaga nya.. sandali pa ay nagising si Charlie sa Loob ng napakasikip na lugar.

" Nasaan ako ? " nang biglang maalala ni Charlie ang mga pangyayari sa Digmaan nila laban kay sitan.

" Patay na pala ako ? pero bat..." Sabi ni Charlie at di sya nag sayang ng oras, agad syang bumagon. itinulak nya ang takip ng kabaong ng napakalakas dahilan upang ang lupa sa ibabaw ay gumalaw at dahil na rin sa lakas ng ulan, mabilis lang nyang naiiangat ang sarili mula sa pagkakabaon. Malakas pa din ang ulan ng mga oras na yun. Nang maka labas na sya ng kabaong. agad nyang naisip ang mga kaibigan lalong lalo na si Ian.

THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon